CHAPTER 9

27.7K 324 52
                                    

You know what's the best feeling early in the morning? It's waking up with the man you love. But when I opened my eyes, I was welcomed by the emptiness of the bed he slept on. Hindi ko tuloy sigurado kong nangyare ba talaga ang kagabi o isa ulit iyong panaginip na napagkamalan kong totoo.

Kinuha ko ang unang ginamit niya kagabi at napatunayang kasama ko nga siyang natulog. The pillow smells like him. Niyakap ko ang unan na parang siya ang niyayakap ko. I missed him. Ilang minuto pa akong nanatili sa kama bago nagpasyang mag-ayos na ng sarili at bumaba para magbreakfast.

Palabas na ako ng Hotel nang makasalubong ko si Evander. Hindi natutuwa ang ekspresiyon niya na para bang hindi maganda ang naging gising niya. Hindi nakalampas sa mga mata ko ang pumutok niyang pang-ibabang labi.

"What happened to you?" hindi ko napigilang itanong. Umiwas siya ng tingin pero kumuyom ang kamao. Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang panga niya para makita ng maayos ang sugat niya. Akala ko ay iiwas siya pero hinayaan niya akong hawakan siya. The blood is still fresh kaya alam kong bagong sugat ito.

"Sinong sumuntok sayo?" tanong ko na may bahid ng pag-aalala. Nakatingin lang siya sa akin habang hinahaplos ko ng marahan ang labi niya. Mukhang wala siyang balak na sumagot kaya hinawakan ko nalang siya sa braso niya at hinila papasok ng Hotel.

"Ynessa." pareho kaming natigil ni Evander sa paglalakad dahil sa tumawag. Agad akong napabitaw kay Evander at humarap sa direksiyon na pinagmulan ng pagtawag. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa braso ni Evander na hinawakan ko kanina. He clenched his jaw before he looked at me.

"May sugat ka rin." sabi ko at naging palipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Ang sugat ni Tage ay hindi 'yung kagabi. It's also fresh kagaya ng kay Evander. May nabubuo ng konklusiyon sa utak ko.

"Let's go, Ynessa!" may diing sabi ni Evander at hinawakan ako sa siko. Bumaba doon ang paningin ni Tage at mas lalong dumilim ang ekspresiyon.

"Let go, you madafucker!" gigil na sabi ni Tage at nagsukatan sila ng tingin, halos patayin na nila ang isa't-isa sa klase ng tinging pinapakita.

"We don't have time for you. Gagamutin pa ni Ynessa ang sugat ko." nabakasan ko ng pang-uuyam ang naging tono ni Evander na nagpatiim pa lalo ng bagang ni Tage. Bumaling siya sa akin kaya agaran ang pag-iwas ko ng tingin.

"I also have mine, Ynessa." bahagya akong tumikhim dahil pakiramdam ko may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. I couldn't explain what I am feeling right now. Para akong nasusuffocate sa kanilang dalawa. Masyadong mabigat ang presensiya nilang dalawa at ramdam na ramdam ang tensiyon.

"Babe." para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang mukha ni Ardelle na puno ng pag-aalala habang hinahaplos ng marahan ang pumutok na labi ni Tage. She's now acting like she has the right to do such thing. Mistress!

"What happened to your lips?" there's a panic in her voice.

"Let's go." mahinang sabi ni Evander na ikinatango ko. Nakita ko pa ang pagsulyap sa amin ni Ardelle bago ako tuluyang naglakad palayo sakanila. Hindi na naman napigilan ng puso kong masaktan dahil sa mga nakita.

"That's the man you chose to marry? Fucking dumbasss!" tila nanunumbat na sabi niya.

"Stop it, Evander!" pagod na sabi ko.

"No, Ynessa! I want you to realize that he's not fucking worthy of your love! Sakanya na umiikot ang mundo mo. Nakakalimutan mo na ang mga taong nagmamahal sayo."

"May nagmamahal pa ba sa akin, Van?" basag na tanong ko.

"Ako, Ynessa. 'Yung mga empleyado mo. Marami kami. Stop feeding yourself with the thought that nobody loves you. Marami kami! Marami pang nagmamahal sayo. Makiramdam ka naman." Hindi ko na napigilan pang maiyak sa mga narinig ko mula sakanya. "Wala kang narinig sa akin no'ng pinili mong pakasalan ang lalaking 'yon, pero ang makitang harap-harapan kang niloloko, don't expect me to just watch him hurt you. Kung hindi kita nagawang ipaglaban noon, ipaglalaban ko na 'tong pagmamahal ko sayo ngayon." determinadong sabi niya. I blinked with tears.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now