CHAPTER 8

27.7K 315 31
                                    

Natahimik na naman kami pagkatapos no'n. Hindi ko na alam ang gagawin o kung kailangan bang may sabihin ako. Ang importante nalang para sa akin ay katabi ko siya ngayon. Kasama ko siya ngayon. I can proudly say that he chose me tonight. Walang pamimilit o pagmamakaawa. I asked him if we can go for a walk and we're here. Hindi ko siya pinilit na samahan ako. This is an achievement on my part.

"Ynessa." he called. Tumingin ako sakanya at naghintay nang sasabihin niya. "You know how much I wanted to build a family." tumango ako dahil isa 'yun sa mga minahal ko sakanya.

He's a family man. I witnessed how he treasures his family. He would trade anything for his family. Ang swerte sakanya ng mag-asawang Del Prado dahil may anak silang kagaya niya.

That's when I realized why my parents want me to marry him. He's a family oriented. Naging positibo ang mga magulang ko na makakabuo kami ng pamilya but they were wrong. Yes, he's a family man but he wants to build a family with the woman he truly loves, and that is with Ardelle.

Kaya din siguro sa limang taong pagsasama namin ay hindi niya magawang bumuo ng pamilya sa akin dahil sa ibang babae niya ito gustong buohin. He wanted me to have shots to avoid pregnancy. Tinigil ko lang ang pag-inom nang taong din na 'to.

I am also not ready for a child kasi hindi ko nga makuha ang pagmamahal ni Tage, e. May takot sa puso ko na baka hindi niya din mahalin ang bata. Kahit pa alam ko kung paano siya magpahalaga ng pamilya ay natakot pa rin ako. Would he still love a child from the woman he never loved?

"And I'll choose family over everything, right?" sabi niya pa. Tumingin siya sa akin.

"Why not choose me? I'm also your family, Tage." naiusal ko.

"I can't answer that." sabi niya at umiwas ng tingin.

"I understand. Sa pamilya may pagmamahal and you don't love me. You never loved me. That answers my question."

"Yne-"

"Tage!" ang galit na tinig ni Ardelle ang pumutol sa dapat na sasabihin ni Tage. Pareho kaming hindi lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Nanatili ang mga mata ko kay Tage na ngayon ay nakatiim na ang bagang na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Bumalik ang lamig sa mukha niya malayo sa kalmadong mukhang pinapakita sa akin kani-kanina lamang.

"Bakit magkasama kayo?" sinamaan niya ako ng tingin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Ang kapal din talaga ng babaeng ito! Hindi ko na alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob dahil hindi siya maubusan nun! Did she just question us being together? Kinukwesiyon niya kung bakit magkasama ang isang mag-asawa? Ang kapal-kapal niya!

"Nakakahiya naman ata sayong kabit, 'no?" hindi ko na napigilan ang sarkasmo sa tinig ko.

"Ynessa." may pagbabantang suway ni Tage. Hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya. What's with the sudden change of heart, Tage?

"Why are you with her, Tage? Kinukulit ka na naman ba niya? Don't tell me nagmakaawa ka ulit na balikan ni Tage, Ynessa?" binalingan niya ako nang may nakakainsultong mga tingin. Was she there when I desperately begged?

"Let's go, Ardelle." aya ni Tage.

"No! Ipapakita ko lang sa babaeng ito na akin kana." hindi ko talaga kinakaya ang kakapalan ng pagmumukha ng babaeng ito!

"Ardelle! I said let's go!" nagpumiglas si Ardelle sa hila ni Tage pero dahil sa pwersa ni Tage ay wala nang nagawa pa si Ardelle kundi ang magpatangay nalang.

Malalim na lamang akong napabuntong-hininga at napahilamos ng mukha. That bitch!

"Aaah!" I frustratingly shouted. Damn! Kumuha pa ako ng bato at tinapon sa dagat.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now