CHAPTER 20

33.2K 421 42
                                    

Sigawan ang nagpagising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Malalakas na mura at sigawan ang umagaw ng atensiyon naming lahat. Nagmamadali akong sumabay sa mga taong nakikiusyuso sa komosiyon sa labas ng pinagbuburulan namin kina Manang Lisa.

There, I saw Helius angrily punching Del Prado. Pagkatapos ni Helius ay si Joaquin naman ang sumuntok. Hindi siya nanlaban at hinayaan lang ang mga kaibigang pagsusuntukin siya. Pumutok na ang mga labi niya mula sa suntok na natamo.

I saw him glance at me. Malamig akong tumingin sakanya at umiwas ng tingin. Tinalikuran ko ang komosiyon nila at bumalik sa loob.

"Anong karapatan mong magpakita dito!" it was Helius angry voice. Ang lakas ng sigaw niya at malinaw iyong naririnig mula sa kinaroroonan ko.

The brown envelope above the table caught attention. Binigay iyon ni Dolores nung dumalaw siya dito. Akala niya ata ay importanteng dokumento kaya inihatid niya sa akin. Nasa ibabaw ng envelope ang itim na ballpen. Pareho ko 'yong kinuha at walang pagdadalawang isip na pinirmahan.

Binalik ko ang divorce paper sa loob ng envelope at tumayo. Wala na ang komosiyon paglabas ko. Nakita ko siya sa hindi kalayuan nakatingin sa pintuan ng kwartong pinanggalingan ko na para bang may inaabangan siyang lumabas. Nang makita ako ay umayos siya ng tayo.

Walang emosiyong naglakad ako palapit sakanya.

May bahid ng dugo ang gilid ng mga labi niya. Wala akong maramdamang iba kundi ang pagdadalamhati at galit ko sakanya. Agad kong tinuon ang atensiyon ko sa mga mata niya.

"Ynessa." he softly called. Inabot ko sakanya ang envelope na matagal niya nang hinihingi sa akin. Matagal niya 'yung tinitigan, mukhang walang balak na kunin mula sa akin. Binato ko 'yon sakanya. Tinamaan ang mukha niya hanggang sa bumagsak sa sahig. Humiwalay ang papel sa envelope kaya kitang-kita ang papel na pinirmahan ko.

Hinubad ko rin ang singsing pati ang bracelet. Tinapon ko 'yon sakanya. Hindi niya sinalo kaya nahulog din sa sahig. Gumulong ang singsing. Natigil lamang nung tumama sa envelope. Muli kong binalik sakanya ang atensiyon ko bago pinakawalan ang mga salitang hindi ko magawang bitawan noon.

"Maghiwalay na tayo." walang bakas ng kahit na anong emosiyong sabi ko.

"You're pregnant." he said like it would change my decision right now.

"Hindi pala nakarating sayo ang balita. Sabay-sabay nawala ang mga mahal ko sa buhay." I said still void of emotion.
"I already talked to my lawyer. Ngayon din ay ipoproseso ang divorce." sabi ko at tinalikuran na siya.

Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na siya binigyan pa ng atensiyon. Nung ako ang nanghingi ay may ibinigay ba siya?

Pumasok ulit ako sa loob. Kung noon ay iiyak agad ako, ngayon ay hindi ko na mahagilap pa ang mga luha ko. Para bang nawala sila kasabay ng pagmamahal ko sa taong iyon. Kung may nararamdaman man ako para sakanya, galit iyon.

He's the reason why I lost two important people in my life. He's also the reason why I almost lost my child. Hinding-hindi siya makakalapit sa anak ko. Hindi ko sakanya pinagkait ang katotohananang magkakaanak kami pero anong ginawa niya? He lost his chance already.


Pagkatapos ng isang linggo ay kailangan na naming ilibing ang mga labi nina Manang Lisa. Doon muling tumulo ang mga luha ko. Nakita ko siya doon. Walang ginawa sina Helius at hinayaan siya sa huling araw ng kaibigan nila.

That day, muli akong dinugo. Nakita iyon ni Tage. Si Helius muli ang umalalay sa akin at nagdala sa hospital.

Kahit kina Helius ay pinalabas kong nakunan ako. Kaibigan pa rin nila si Tage. Galit sila ngayon pero alam kong balang araw ay magkakapatawaran sila. Sa akin, malabo na ang kapatawaran. Mamamatay akong kimkim ang sakit at galit sakanya.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now