CHAPTER 21

31.4K 370 20
                                    

Bumaba ang tingin niya sa nakangusong si North. He shows that expression everytime he's bored. Umayos ako ng tayo at kinuha na ang cart para magbayad na sa counter.

"For sure Dada's already there." nakangusong sabi ng anak ko. Kita ko ang pagbaling sa akin ni Helius. Sinalubong ko ang mga nagtatanong niyang mga mata.

"Small world." tipid na sabi ko.

"Time flies so fast." makahulugang sabi niya at muling tumingin sa anak ko. I can sense his questions but he didn't ask me anything which I appreciate. I don't think I can accommodate questions related to my past right now.

"Eight years, Ynessa." he said like reminiscing. Tumango ako dahil walong taon na nga ang nakalipas. Matagal na rin pala. Wala akong naging balita sa mga tao sa Pilipinas. I chose to cut things with them until today. After eight long years, some people from my past, I saw them again. Some things are really inevitable.

"Dito kayo sa Greece buong walong taon?" he asked. Wala ba talagang nakaalam kung saan kami pumunta? Pinutol ko ang komunikasiyon ko sakanila pero hindi ko naman tinago ang bansang pinuntahan ko. If they would look for me, they can actually find me.

"Dito lang." sagot ko.

Pinauna niya ako sa pagbabayad. Hawak ko ang kamay ng anak ko habang hinihintay na mapunch lahat ng pinamili ko. Tahimik lang si North na alam kong kanina pa gustong umuwi. Baka nga nauna na talaga si Gabe doon sa bahay dahil sa tagal namin dito sa supermarket.

"You like some drinks, baby?" lambing ko sa anak ko. Tumingin siya sa akin at tumango.

"We're going, Helius. It was nice seeing you here." paalam ko at naglakad na palayo. Nagpa-assist ako sa mga pinamili ko dahil may kabigatan iyon.

"We'll just put our stuff in the car and we'll buy you drinks, hmm?" he patiently waited for me. I fixed the things that I bought at the back of my car and faced my son.

"Let's go?" may malapit na coffee shop sa supermarket kaya doon na kami dumiretso. Hand in hand, I ordered drinks for us. In-order-an ko na rin si Gabe dahil mahilig din 'yon sa frappe. Nagpatake out na rin ako ng mga cookies para sa dessert namin mamaya. Naupo na muna kami sa isang table habang hinihintay ang mga in-order namin.

"Mommy, how are you related with those people you've talked in the supermarket?" siguro nagtataka siya kasi may bigla nalang na yumakap sa akin at may kinausap ako. Alam niya kasing hindi ako masyadong nakikipag-usap, unless kilala ko talaga. Hindi rin ako nagpapayakap nang basta-basta. Isa sa mga nakuha ng anak ko sa akin ay ang pagiging mailap ko sa mga tao. Kay Gabe nga lang kami naging komportable sa tagal namin dito sa Greece.

"The couple awhile ago used to work with me while the man in the counter is an acquaintance before." paliwanag ko.

"You're not close with them?" he asked.

"Mommy is not close with anyone before." I chuckled.

"Why?" kita ko ang kagustuhan sa mga mata niyang malaman ang sagot kung bakit. I slightly pinched his cheeks.

"Because I find it hard to trust people." pag-amin ko.

"But you trust me and Dada."

"You're the people I trust the most." I said and smiled at him. Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit. Para akong maiiyak sa pagyakap ng anak ko. He's not always sweet kaya madalas akong maging emosiyonal kapag biglang naglalambing ang anak ko.

"Miss Ynessa." pinunasan ko ang mga luha ko at naglalakad na palapit sa counter hawak ang anak ko.

"Thank you." tipid na pasasalamat ko. Ngumiti sa akin ang babae.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now