CHAPTER 18

25.6K 274 12
                                    

The weariness on his face is palpable. Tinitimbang ko ang pinapakita niyang ekspresiyon sa akin. Pilit kong binabasa ang mga emosyon niya kasi kahit anong sabi niya na gusto niya na akong hiwalayan, iba ang nararamdaman ko. At 'yon ang gusto kong paniwalaan.

My intuition is telling me that there's something behind his change of treatment. Maayos kami nung mga nakaraang araw tapos bibigyan niya ako ngayon ng divorce paper! Naglolokohan nalang ba kami ng nararamdaman dito? Kasi kahit ilang ulit kong isipin kung may nagawa na naman ba ako para magkaganito kami, wala akong maisip!

"Let's talk about this, hmm? Ayusin natin kung may problema." nagsusumamong pakiusap ko. "May hindi kaba gusto sa ugali ko? You don't like my tattoo? I'll remove it. Sabihin mo lang."

"Hindi ko gusto ang buong pagkatao mo!" he exclaimed.

"Anong kailangan kong gawin? Sabihin mo naman para mabago ko, oh!" nabasag ang boses ko. Nag-iinit na ang bawat sulok ng mga mata ko pero pinipigilan kong umiyak. Ayoko ng umiyak, hanggat maaari.

Sabay kaming bumaling nang bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok si Ardelle. Agad na sumama ang tingin ko sakanya. She smirked at me, telling me by her smirk that she won again.

Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang lumingkis sa braso ng asawa ko. Hindi ko na siya naiisip nitong mga nakaraang araw dahil napanatag ako sa mga pinapakita at pinaramdam sa akin ni Tage. Nakalimutan kong siya pala talaga ang pinakamalaking tinik sa pagsasama naming mag-asawa.

"Hindi pa rin ba pumipirma, babe?" kinilabutan ako sa klase ng tinging binibigay niya sa asawa ko. Saan kumukuha ng lakas ng loob ang babaeng ito dahil nag-uumapaw! Napakawalang hiya niya! Hindi maubusan ng hiya!

"Ang tagal na naming hinihingi ang divorce, Ynessa. Bakit kasi ayaw mo pa?"

"Kahit ilimos mo pa, hinding-hindi ko ibibigay!" mariing sabi ko.

"Ang tapang din talaga nitong asawa mo, Babe. Napakahigpit ng kapit sayo. Bakit kasi nagpauto ka sa pull out pull out ng share." mas lalo akong nainis sa mga sinasabi niya. Hindi ata sapat ang mga sabunot ko sa babaeng ito.

"Let's divorce, Ynessa." marahas akong bumuntong-hininga at tinalikuran na sila.

"Kung wala na kayong sasabihing maganda, makakaalis na kayo." sabi ko habang nakatalikod sila. Makakaya ko pang umalis siya kasama ang babae niya kesa ang ibigay ang hiwalayang gusto nila.

"May maganda akong sasabihin, Ynessa. Ano, Babe, sabihin ko na?" wala akong narinig na sagot galing kay Tage.

"I'm pregnant." parang bombang sumabog ang mga luha ko. Masasagana iyong bumuhos na akala mo ay talon. Nanginginig ang mga kamay at binti ko. Humawak ako sa mesa ko para kumuha ng suporta dahil bigla akong nawalan ng lakas sa mga narinig ko.

"I fulfilled your husband's wish, Ynessa. Magkakapamilya na siya." is this the reason why he made me drink birth control? Kasi hindi niya nakikita ang sariling bumubuo ng pamilya na ako ang kasama? I know how much he valued family over everything. Saksi ako kung paano siya magpahalaga ng pamilya at ngayong nagdadalang tao na ang babae niya ay kaya niya akong iwan para mabigyan ng buong pamilya ang anak niya.

He valued family but he never valued me. He forgot that I am also his family, I am now his family.

"Are you done? P-Pwede na kayong umalis." pinigilan kong mabasag ang boses ko pero hindi na natago non ang totoong nararamdaman ko.

"Pirmahan mo na." I heard Ardelle said.

Hinintay kong makalabas sila bago ko pinakawalan ang mga hikbi ko. Napasalampak ako sa sahig at humagulhol.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now