CHAPTER 16

27.5K 328 9
                                    

Malalim na ang gabi ng maalimpungatan ako dahil sa pagsasalita ni Tage. Sapat na ang lampshade para makita ko siya sa may terrace at may kausap sa cellphone. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila ng kausap niya pero kung pagbabasehan ang itsura niya ay parang hindi maganda ang mga naririnig niya mula sa kausap.

Galit niyang binaba ang tawag at may binanggit na kung ano bago hinampas ang railings ng terrace. Pinanuod ko siya habang hinahampas ang railings. He looks frustrated and want to release it by deflecting it there. I want to come near him but didn't bother to. Maybe he needs that to release his frustration.

Umayos ako ng higa nang makitang babalik na siya sa kwarto. Nababakasan pa rin ng galit ang mukha niya. Tumingin siya sa akin kaya nagkasalubong ang mga mata namin.

"Nagising ba kita?" sumampa siya sa kama at naupo. Sumandal siya sa headboard habang ako naman ay pinulupot ang comforter sa katawan ko para tabunan ang hubad kong itaas. Umupo din ako at hinarap siya.

"You have a problem." I concluded. Umiwas siya ng tingin kaya hinawakan ko ang mukha niya para kunin ang atensiyon niya.

"You can tell me. Iintindihin ko, Tage." marahan kong hinaplos ang baba niya. Tumutusok na ang mga patubo niyang bigote sa kamay ko.

"Walang problema." sabi niya. Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Something is wrong. I know there is something bothering him.

"Sino 'yong kausap mo kanina?" I asked.

"It's a wrong number. Stop thinking about it. Hindi importante." sabi niya. Pinakatitigan ko siya.

"Hinahampas mo 'yung railings, Tage. That's not a normal reaction for a wrong number." tumiim ang bagang niya at tinitigan ako.

"That was Marcus." he said while looking straight into my eyes. His cousin? Isang beses ko lang siya nakita at hindi na nasundan pa. Ngayon ko lang din nalaman na nakikipag-ugnayan pala siya sa pinsan niya.

"What about Marcus?" I asked curiously.

"He just can't do the favor I asked him." tumalim ang titig niya habang sinasabi iyon.

"Iba ang pakiramdam ko sa pinsan mo noon pa. I can't explain it but I feel like his aura is screaming danger. Parang palaging may nakasunod sakanyang panganib." pagsabi ko ng totoo. Malalim siyang tumingin sa akin.

"Avoid him. Lalong-lalo na ang ama niya, Ynessa." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. They are his family, right? Why would I avoid them? Maybe I was too judgemental towards Marcus but he never did something to harm me before. Mukha lang siyang nananakit pero hindi ko pa naman nababalitaang may sinaktan siya o ano paman. And I never met his Father. Pano ko iiwasan kung hindi ko naman kilala?

"If someone approached you related to Del Prados, avoid them, huh?" tumango nalang ako kahit naguguluhan.

"Masama ba ang mga Del Prado, Tage?" Bahagya siyang natigilan bago unti-unting tumango.

"Del Prados are dangerous, Ynessa. Martino Del Prado is the person you should avoid. He's someone who'll hurt you without thinking twice. He doesn't care if you are blood related or what. He'll do everything for power." nabakasan ko ng galit ang tono niya.

"Who is he?" medyo naguguluhang sabi ko.

"He's Marcus' father. Kapatid ni Papa." sagot niya.

"Kung ganun, masama ka rin?"

"I am. But remember this, I'm doing these for my family." he said and grabbed my waist for a hug. "I don't want to drag you into this mess, Ynessa. God knows how hard I tried to not drag you." he whispered.

"Ginagawa ko ang lahat para sa ikakabuti niyong lahat, tandaan mo 'yan." tumango ako.

"I love you." bulong ko. Hindi siya sumagot. Bahagya akong lumayo at tinitigan siya.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now