CHAPTER 19

28.9K 398 52
                                    

The same day, the doctor already permit me to go home. Gusto ko na sanang dumiretso sa Condo unit na tinutuluyan ni Tage pero pinigilan ako ni Evander. Naintindihan ko naman na kapakanan ko ang iniisip nila ni Manang Lisa. Kahit gustong-gusto ko nang ibalita sa asawa ko na magkakaanak na kami ay hinintay ko ang kinabukasan.

Wearing a simple sky blue dress, I entered the building and asked for my husband's unit. Pinasadahan pa ako ng receptionist ng tingin na para bang kinikilala ako.

"I'm his wife." pakilala ko. Agad na nabalisa ang mga mata niya at nagpanggap na busy sa kaniyang ginagawa.

"I'm asking you for my husband's unit, Miss." nagtitimping sabi ko. Para siyang walang naririnig at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Huwag mong hintaying tumawag ako sa Boss mo." I said impatiently. May ibabalita ako sa asawa ko at hindi nakakatulong ang pag-i-ignora niya sakin.

"I'm sorry, Ma'am but Mr. Del Prado don't accept visitors. 'Yon po ang mahigpit niyang bilin." sabi niya.

"Asawa ako. I need to see him dahil may pag-uusapan kami." umiinit na ang ulo ko sa babaeng ito pero ayokong mag-eskandalo dito.

"Call him! Tell him I'm here!" sinamaan ko siya ng tingin nang tingnan niya lang ako. Mukhang nasindak siya sa tinging ginawad ko dahil agad na nagdial.

"Good morning. Yes, Ms. Arjente. May naghahanap po kasi kay Mr. Del Prado. Asawa niya raw po." she's here? I thought he's not accepting visitors? Well, she's pregnant, Ynessa. She needs some time with your husband.

May nakakarating naman sa akin na balita na dito umuuwi si Ardelle pero ang mapatunayan, ay biglang sumikip ang dibdib ko.

"Pababa na po sila." the woman said. Tumango ako at inabangan silang lumabas ng elevator.

Marahang bumukas ang elevator. Hindi ako kumurap at kitang-kita ko kung paano nila pagsaluhan ang isang mainit na halik. Hindi ako kumurap. Wala akong pinalampas na eksena. Masakit pero pinatatag ko ang sarili ko. Baka ito na rin ang huling beses na matitikman ni Ardelle ang mga labi ng asawa ko.
I know Tage will choose us over his mistress. We can be a happy family. I'll forget all of this and we'll start over again. Hahayaan ko din siyang suportahan ang anak niya kay Ardelle. Anak niya 'yon kaya hindi ko ipagkakait na kilalanin siya pero hindi sila pwedeng magsama ni Ardelle.

"Nandyan na po sila." naiilang na sabi ng babae sa gilid ko. I know. Nakikita ko. Nang tuluyang bumukas ang elevator ay siya ding paghihiwalay ng mga labi nila. Ardelle has this victorious smile while Tage is looking coldly at me. I composed myself. I loosened my grip on my dress and face them casually.

I even gave them a smile lalong-lalo na si Tage.

"I have something to tell you." walang paligoy-ligoy na sabi ko. Mabuti na rin palang nandito si Ardelle. I want to slap her with my pregnancy. Gusto kong makita niyang ako ang pipiliin ng asawa ko.

"Make it quick." malamig na sabi ni Tage. Ngumiti ako sakanya.

"I'm pregnant. I'm 3 weeks pregnant, Tage." balita ko sakanya. Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero agad ding naibalik sa pagiging malamig. Ardelle was shocked too. Lumawak ang ngiti ko kay Tage.

"Magiging Daddy kana." masayang balita ko.

"Wala ka nang ibang sasabihin?" unti-unting nawala ang ngiti ko sa mga labi.

"Buntis ako, Tage." ulit ko. Baka hindi niya ako masyadong narinig.

"Ako ba talaga ang ama?" this time, halos mabingi ako sa sinabi niya. Nanginginig kong sinampal ang pinsgi niya. Hearing him question me that way made my heart clenched in a painful way.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now