CHAPTER 29

27.8K 331 11
                                    

Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan si Gabe at Gaze na niyayakap ang malamig na bangkay ng ama sa huling pagkakataon. I couldn't even take a step to join them because of the pain I am feeling. Hawak lamang ni North ang kamay ko habang tahimik na umiiyak habang nakatingin lang din kina Gabe.

Tita Gigi is on her wheel chair with the private nurse hired by Gazini when we entered their house. Nauna ng umuwi ang magkapatid kasabay ng mga labi ni Tito Karlos. Ayaw pa sanang iuwi nina Gaze ang ina pero wala ding magbabantay sakanya sa hospital kaya pinili na lamang nilang kumuha ng private nurse na mag-aalaga kay Tita Gigi. She's still not talking, tulala lang. Sabi ng Doctor ay natrauma raw si Tita Gigi dahil sa aksidente. Hindi siya gaanong napuruhan dahil ayon sa mga nakakita sakanila sa loob ng sasakyan ay nakayakap daw si Tito Karlos sa asawa niya kaya din si Tito ang mas may malubhang damages na sinapit.

Maliwanag ang buong bahay ng mga De Marco. Napapaligiran ng mga preskong bulaklak ang putting kabaong ni Tito Karlos. Gaze is crying silently on Gabian's arms.

"K-Karlos." I looked at Tita Gigi. I saw how tears cascade on her cheeks. Muli niyang binanggit ang pangalan ng asawa. I can feel her frustrations when she tried to move her hands but didn't even flinch. Gumawa siya ng ingay sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbanggit ng pangalan ni Tito Karlos kaya napabaling sa amin ang mga anak niya. Agad siyang dinaluhan ng dalawa kaya bahagya akong tumabi para mabigyan sila ng espasyo.

Inakay ko si North paupo. I can see weariness on his face. Mugto ang mga mata at namumula ang ilong.

"I hope Dada finds his happiness after this." he softly said. Marahan kong pinunasan ang mukha niya nang may tumulo doong mga luha.

"We'll make him happy." tumango siya at yumakap sa akin.

"He doesn't deserve all of these pain, Mommy. He's the kindest person I ever met." I nodded my head. I couldn't agree more.

"He deserve all the happiness in the world, North."

"Let's give him that, Mommy."

Trinidad Del Prado entered the house wearing a simple yet very elegant white dress. May kasama siyang tatlong lalaking sa hinuha ko ay mga bodyguard niya. Si Gaze ang unang lumapit sa Ginang. I've never seen Martino Del Prado but I've seen Trinidad Del Prado in a magazine before. She was featured there for quite some times.

Hindi maitatangging may edad na ito but that doesn't make her less beautiful. Mas matanda siya ng ilang taon kay Tita Gigi pero kung titingnan sila ay hindi nagkakalayo ang itsura nila.

"Condolences, Gazini, Gabian, Gi." huli siyang bumaling kay Tita Gigi. Yumakap sakanya si Gaze habang tango lamang ang ibinigay na pag acknowledge ni Gabe. I couldn't blame him. Baka may nararamdaman pa siyang galit sa pamilya nina Marcus dahil sa pagkuha nito ng babaeng pinakamamahal niya. Trinidad lowered herself to hug Tita Gigi. May ibinulong siya dito na hindi na umabot sa pandinig ko.

"Hindi ba't darating din sina Tanya?" she asked and looked at Gazini.

"Bukas pa po, Tita." pagsagot ni Gaze. Tumango ang Ginang.

"Alam na ba nila?"

"Natext ko na po. Wala pa pong reply." muling tumango si Trinidad. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko ng magkasalubong ang mga mata namin. They have something that made me nervous, sila ng anak niya. Paano pa kaya kung ang matandang lalaking Del Prado ang makaharap ko?

"Kasama ba si Tage sa mga darating?" she asked that without leaving my eyes. The mere mention of his name made me clenched my hands.

"Hindi raw po macontact nina Tita Tanya. But I heard that he already found his wife." balita ni Gaze. Tumango ang Ginang at matipid na ngumiti na hindi ko alam kung para saan.

Love Me TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon