CHAPTER 14

28.2K 332 15
                                    

Our night continue. Hindi ko na din napigilang hindi uminom ng alak dahil panay ang order nina Helius. Namumula na ang dalawang kaibigan ni Tage dahil sa alak pero hindi pa mga lasing. Nasa wisyo pa silang dalawa dahil panay pa ang pagkakampihan para pagkaisahan si Tage.

"Stop drinking. I thought you're sobering up?" kinuha ko ang bote ng beer sa kamay niya. Namumungay na ang mga mata niya dahil sa dami ng alak na nainom. Kanina ko pa siya pinipigilan pero dahil kina Helius ay wala na akong nagawa pa dahil panay ang bigay nila ng alak kay Tage.

"I'm sober." umirap ako. Alam naming dalawa na lasing na talaga siya. Medyo nahimasmasan na siya kanina bago kami pumunta dito sa sofa pero uminom ulit kaya nalasing na naman.

"Let him finish all the alcohol here, Ynessa." sabi ni Joaquin at makahulugang ngumisi habang nakatingin kay Tage. Ngumuso ako sa sinabi niya.

"Anong oras tayo uuwi, Tage?" pagtatanong ko.

"You wanna go home?" he asked. Kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"I'm just waiting for you." pag-amin ko. Tumingin siya sa akin at pinakatitigan ako.

"I still want to spend time with you." he said without blinking.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. He intertwined our hands as he leaned closer.

"I don't have all the time in the world, Ynessa. Hindi ko alam kung ilang oras lang sa bawat araw ang meron ako para makasama ka at gusto kong sulitin ang bawat minutong kasama ka." para akong maiiyak sa mga sinasabi niya.

"If I j-just have a choice... Fuck!" he frustratingly whispered. "It's been joy and pain for the both of us the past days. But whenever I'm hurting you, I want you to think that it's not always my intention. It's the situation that pushed me." mariin siyang pumikit pero bago niya ipikit ang mga mata ay nakita kong namumula iyon dahil sa nagbabadyang mga luha.

"You know how much I love my family, Ynessa and I'm willing to do everything just to keep them." may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil sa paglakas ng tugtog sa loob.

Pinisil-pisil niya ang kamay ko.

"Mahal kita at hindi ang sakit na nararamdaman ko ang magpapabago non." bulong ko sakanya.

"What did I do to deserve you?" pinatong niya ang noo sa balikat ko. He's still gently massaging my hand.

"It was an amazing 5 years with you, Ynessa. I want you to remember that." he whispered.

"It was amazing because you're in it, Tage." inangat niya ang ulo niya at tinitigan ako. Binitiwan niya ang kamay ko at masuyong hinaplos ang pisngi ko.

"You're so beautiful." he said. I closed my eyes as he leaned closer. Para akong binalik sa nakaraan nang maramdaman ko ang mga labi niya sa labi ko.


"That is Tage Del Prado and he's the man I want you to marry, Ynessa." my Mom pointed someone from a big crowd. Nang tingnan ko ang tinuturo niya ay isang matangkad na lalaki ang nakita ko. Nakatalikod siya sa amin but his presence is unquestionably outstanding among all the people in that crowd. He's busy shaking hands with people at hindi nababakante ang kamay niya dahil sa bawat pakikipag-kamay niya sa isa ay may isa nang nag-aabang para hawakan siya.

"What's so good about that man, Mom?" I asked a bit annoyed because I hate it when people decide for me, kahit mga magulang ko ay ayokong nakikialam sa mga desisyong gagawin ko.

"He's everything, Ynessa." her eyes twinkled visualizing the man he was talking about. Umiling nalang ako. Ito ang unang pagkakataon na may nagustuhang lalaki ang Mommy para sa akin. He's been talking about that guy for quite some time already but since I am someone who's not easily curious, I didn't even pay some time to search for him. She's very vocal about me marrying that specific Del Prado.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now