CHAPTER 24

30.4K 341 36
                                    

Mariin akong napapikit dahil sa muling pagbanggit ng pangalan ng taong 'yon. Hindi ko alam kung sinasadya talaga nilang paulit-ulit na banggitin ang pangalan niya o nagkataon lang na siya talaga ang pinag-uusapan ng mga ito? O baka din talaga sinasadya rin nilang pag-usapan si Tage?

"Excuse me, can you stop talking for a moment? Kung ayaw niyong makipagpalit ng upuan, pwedeng tumahimik naman kayo?" hindi ko na napigilan pang huwag magtaray. On my periphery vision, I saw them looked at each other and then smirked! Nilingon ko si Joaquin at sinamaan ng tingin, ganun din ang ginawa ko kay Helius. They have this look na para bang nagtagumpay sila.

"Malas din talaga ni Tage sa pagkakataon." narinig kong sabi ni Helius at mahinang tumawa.

"Hindi palagi nagpapang-abot." dugtong pa ni Joaquin. I even saw them manipulating their phone. I tried to focus again but a sudden flash from something made me looked at my right. Pilit na ngumiti si Joaquin at binaba ang cellphone.

"I accidentally opened my flashlight. Sorry." he said and acted attentive to the presentation all of a sudden. Narinig ko ang pigil na tawa ni Helius bago ang salitang 'bobo'.

When the presentation and raising of questions are done, I immediately tucked my things and stand up. Sabay pang tumayo ang mga katabi ko. Ngumiti ako ng tipid sa mga nakangiti sa akin at maliit na tumango.

"You want some coffee, Ynessa?" aya ni Helius.

"No, thank you." sabi ko at naglakad na. Mabilis na humarang si Joaquin at may kabadong tawa pa.

"Pwede patext? I'll just text my secretary. Wala kasi akong load." Joaquin said, smiling like he has a dysmenorrhea.

"Wala akong load." umirap ako nung si Helius naman ang humarang.

"Let's buy your son some drinks." he said suggestively. Plastik akong ngumiti at hinawi sila. Muli silang humarang kaya sinamaan ko na ng tingin. Why do they keep on stopping me?!

"I don't have time with you people. Stop blocking my way!" mariing sabi ko. Wala na silang nagawa pa kundi ang hayaan na ako. Kasabay ko pa sila sa elevator at kita ko mula sa repleksiyon namin sa elevator ang pagtatype nila sa cellphone.

Umirap ako at ngumuso.

The elevator opened and I heard the nonstop cussing of Helius. They tried to stop me again by asking stupid questions but I continued walking without answering any of their stupid questions.

Malalaki ang hakbang ko nang makalabas na ako ng building dahil sa sobrang init ng panahon. Para akong pinapaso sa bawat lapat ng mainit na sinag ng araw sa balat ko.

Nakita kong nakatingin sa akin ang dalawa mula sa building.

Pinapakiramdaman ko pa ang lamig na nagmumula sa air conditioner ng sasakyan nang may nagpark ng sasakyan sa tabi ng akin. Mukhang nagmamadali ang driver dahil hindi na inayos ang pagkakapark ng sasakyan at mabilis na lumabas.

I watched him run the distance of the building from the parking. Hindi pa siya nakakarating sa pwesto ng mga kaibigan niya ay mabilis ko ng pinaandar ang sasakyan ko.

Now, I know why they are delaying me. Gusto nilang mapang-abot kami ng dati kong asawa.

Parang ngayon lang sa akin nagsink in na nasa iisang lugar pala talaga kami. May mga pagkakataon pang napipigilan ang mga pagkikita namin pero alam kong isa sa mga araw na 'to ay tuluyan na ngang magkukrus ulit ang mga landas namin.


Thursday and I'm out for another business meeting. Iniwan ko muna si North kay Gabe dahil pareho silang walang pasok sa school. I parked my car outside a restaurant to take out a dinner for the three of us. Nang makuha na ang order ay agad din akong bumalik sa sasakyan ko. Paatras na ang sasakyan ko nang biglang may nasagi akong sasakyan. Tumunog ang alarm ng sasakyang nasagi ko.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now