CHAPTER 36

26.7K 314 29
                                    

Pag-uwi namin sa bahay ay wala akong Tage na naabutan. May nililigpit na pagkain sina Manang Adelina sa kusina. It looks like a take out foods from a well known restaurant. May ilang pagkaing nasa basurahan. May nakita din akong mga kandila doon. Para saan 'yon? Bigla kong naalala ang plano sana naming pagkain sa labas.

"Magdamag po kayong hinintay ni Sir Tage, Ma'am." Manang Adelina said while wiping the table because of the  excess of the foods. A pang of guilt attacked my chest.

"Hindi raw po natuloy 'yung dinner niyo sa labas kaya tinake out nalang po ni Sir ang pagkain. Naupos na po 'yung mga kandila hindi pa po kayo umuuwi pero nanatili po siyang naghihintay. Hindi nga po kumain kasi gusto niya sabay-sabay kayong tatlo ng anak niyo." mas lalong bumigat ang dibdib ko sa mga narinig. I told him to stop pursuing me. Bakit pa siya naghintay?

"Where is he now?" I asked.

"Umalis po pagkatapos pagbabatuhin 'yung mga pagkain." that answers why there were broken wares on the floor. Kaya rin nagkalat ang mga sarsa ng pagkain sa buong kusina.

"Wala po bang sinabi kung saan pupunta?" pagtatanong ko ulit. Bigong umiling si Manang. Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong kusina at mabigat na naglakad palabas. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at binuksan iyon. Sunod-sunod na pumasok ang mga text messages galing kay Tage. I chose not to open it. Masyado ng mabigat ang dibdib ko sa lahat ng nangyare.

I dialed his number and his phone keeps on ringing. Walang sumasagot. Ibaba ko na sana ang cellphone ko nang marinig ko ang malalim na paghinga. Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman na muna siya. He stayed silent and just heave a sigh.

"You love him?" umawang ang mga labi ko sa mga salitang binitiwan niya. Hindi ko magawang sagutin. Simula nang marinig ko ang mga sinabi ni Gabian ay naguluhan na ako sa nararamdaman ko. Parang kahapon lang ay siguradong-sigurado ako na mahal ko talaga siya pero nang sabihin niya na nakikita ko lamang si Tage sakanya at ang sitwasyon ko noon, bigla akong naguluhan.

Natatakot lang ba talaga akong maulit 'yung mga nangyare noon kapag binigyan ko ng pagkakataon si Tage?

"Natatakot kang bigyan si Tage ng pagkakataon kasi pakiramdam mo ay muli kang mabibigo sakanya. You chose to believe that you love me because you are secured with me. Masakit man aminin pero mahal mo ako sa ideyang hindi kita iiwan at paulit-ulit kitang pipiliin dahil hindi kita kayang biguin. Gusto mong may masasandalan ka sa bawat problema mo at ako ang nakikita mong gagawa nun sayo. Feel yourself and evaluate what you truly feel, Russ." that was Gabe's last words before I bid goodbye to go home.

"It's okay. I can change that." rinig ko pang sabi niya. Ramdam ko sa boses niya ang pagiging positibo sa gitna ng sakit na nararamdaman.

"Love him today... Love me tomorrow." that came out like a whisper. Parang hindi niya talaga gustong iparinig sa akin.

"Where are you?" my voice was so dry. Sobrang malat na ang lalamunan ko, siguro dahil sa sobrang pag-iyak at sa pagod na rin.

"Tell me you're worried and I'll tell you where I am." he negotiated. Malalim akong bumuntong-hininga.

"Tage..." pakiusap ko. His heavy breathing was the only thing I've heard.

"I just need to clear my mind. I'm so broken, baby. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang pag-iyak mo. You never cried for me that hard." rinig ko ang pait sa boses niya. He saw me? He was in the hospital?

Because, Tage, you never saw my tears before. Because you chose to be blind and think what was best for all of us, kahit na ang saktan ako ng sobra.

"Mas takot kang mawala si Gabian kesa mawala ako." sabi niya na nagpalamig sa akin.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now