CHAPTER 7

28.1K 370 62
                                    

Kung hindi pa ako nakaramdam ng lamig ay baka hindi pa ako umaahon sa tubig. Nangungulubot na ang balat ko sa tagal kong nakababad pero wala akong lakas para umahon.

Mabagal ang bawat hakbang ko papasok ng hotel. Nanginginig na sa sobrang lamig at pinagtitinginan na ng mga tao. Baka iniisip nilang nababaliw na ako. I am still on my two piece, walking slowly in the hotel with a trembling body. Nilalamig na talaga ako. Hindi ko na kasi makita 'yung see-through ko kanina.

Malapit na ako sa elevator nang maramdaman ko ang paglapat ng malambot na bagay sa katawan ko. Slowly, I look at the person who put a towel on my body.

"I don't need your towel." mahinang sabi ko.

"Maybe you don't but your body needs it." sabi niya habang diretso ang tingin sa nakasaradong elevator.

"Evander." mahinang tawag ko. Tumingin siya sa akin kaya nagkatinginan kami. Tumiim ang bagang niya at umiwas ng tingin na para bang hindi niya ako kayang titigan ng matagal.

"Don't give me that sadness, Ynessa." may galit sa tono ng pananalita niya.

Hindi na ako nagsalita at pumasok nalang sa kabubukas lang na elevator. Sumunod siya pero nanatiling diretso ang tingin. Pinapakiramdaman ko lamang siya habang pareho kaming tahimik hanggang sa makarating ako sa palapag ng kwartong inuukupa ko.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng elevator ay natigil na ako. Maging si Evander ay natigil din. At kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. Maagap akong humawak sa braso niya dahil alam ko na ang binabalak niyang gawin. He glared at me at kinalas ang kamay ko.

"Asshole!" he angrily hissed at halos takbuhin na niya ang pagitan nila ni Tage.

Hinila niya ang asawa ko palayo sa kahalikang si Ardelle at agad na sinuntok. Sabay pa ang pagtawag namin ni Ardelle sa pangalan ni Tage no'ng bumagsak ito sa sahig dahil sa panununtok ni Evander. Gulat na gulat ako pero nangibabaw ang pag-aalala lalo na nang makita kong pumutok ang gilid ng labi niya.

"Punong-puno na ako sa kagaguhan mong hayop ka!" galit na sigaw ni Evander at muling sinuntok si Tage. Nataranta ako ng aambahan niya sana ulit ng suntok si Tage pero sumigaw na ako.

"Evander, Stop!" Nagmadali akong lumapit sakanila at hinila siya palayo kay Tage. I checked my husband and I glared at Evander nang makitang dumudugo na ang mga labi ni Tage.

"The hell, Ynessa!! I'm so fucking disappointed! You fucking stoop on that level!" dismayadong sabi ni Evander sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin na ngayon ay nakaluhod para daluhan ang nakahigang si Tage.

"You aren't Ynessa anymore!" dismayadong sabi niya at tinalikuran na kami. Napapiksi ako nang biglang may tumulak sa akin kaya napaatras ako. Sinamaan ko ng tingin si Ardelle na ngayon ay inaalalayan ang asawa kong tumayo.

"Pagsabihan mo ang manliligaw mo, Ynessa!" I didn't mind her dahil kay Tage lamang ako nakatingin. Pinunasan ni Tage ang gilid ng labi at dumura ng dugo.

"A-Are you okay?" nag-aalalang tanong ko. Tumingin siya sa akin pero mabilis lang dahil kinuha na ni Ardelle ang atensiyon niya sa pamamagitan nang malambing na paghaplos nito sa mukha niya. Mabilis akong umiwas ng tingin nang tumingkayad pa ito para halikan ang pisngi ni Tage.

"Let's go, babe. Gagamutin ko ang sugat mo." sinadya pang lakasan ni Ardelle ang boses niya para lang marinig ko talaga. I just watched them enter their room. Naiwan akong nakatanga lang at inaabsorb ang sakit. Sakit nalang talaga ang malinaw kong nararamdaman ngayon.


It's already eleven in the evening at hindi ako dinadalaw ng antok. Hindi maalis sa isip ko ang mga nangyare kanina. Evader's presence, ang halikang nakita naming dalawa at 'yung panununtok niya kay Tage. Malakas akong bumuntong-hininga at tumayo na lamang. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang asawa ko. Nagamot na kaya 'yung sugat niya? Other than that, may masakit pa kaya sakanya?

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now