CHAPTER 34

25.7K 276 54
                                    

Pakiramdam ko ito ang pinakamatagal kong byahe papuntang hospital. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Gabe. Binibigyan na siya ng paunang lunas. Naririnig ko pang sinasabi nilang masyado daw malalim ang sugat sa pulso ni Gabian at marami ng dugo ang nawala dito at baka hindi na ito umabot pa sa hospital. I glared at the person who have said that. He'll make it! Lalaban siya dahil siya si Gabian. Mananatili pa siya sa tabi namin ni North. Poprotektahan niya pa kami. Aalagaan niya pa kami. Aalagaan pa namin siya. He would still make me coffee. Ipagtitimpla niya pa ng gatas si North. Gagawa pa siya ng clubhouse. May Sunday training pa sila ng anak ko. Babalik pa kami sa Greece. We still have a lot of plans ahead of us. Hindi niya kami pwedeng iwan!

Lord, not Gabian, please. Baka hindi ko kayanin. Hindi ko kakayanin! Gabian is my other half, I can't be complete without him.

Agad siyang pinasok sa emergency room. Naiwan ako sa labas. Ang nagmamadaling si Gaze at North ang sunod kong nakita. Agad silang yumakap sa akin. They're both crying.

Naawa ako kay Gazini. Kamamatay lang ni Tito Karlos, Tita Gigi is in the hospital for her recovery and now, Gabe attempted suicide.

"I should have checked on K-Kuya! Dapat hindi ko siya hinayaang mag-isa." that was something I wasn't able to do too. Nagsisisi akong nanatili ako sa bahay at pinagbigyan ang taong hindi ko na naman mahal habang ang lalaking nagpapatibok na ng puso ko ay unti-unti na palang nilalamon ng kamatayan.

"A-Alam kong lalaban siya. He wouldn't disappoint us." positibong sabi ko.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nanatili sa labas ng emergency room. Ang tagal ng Doctor! Hindi na ako mapakali. Umiiyak pa rin si North, maging si Gaze ay ganun din. Hindi ko na alam paano ko papatahanin ang dalawa dahil maging ako ay hindi tumitila ang mga luha.

When the emergency room finally opened, agaran ang pagtayo namin at pagsalubong sa Doctor. Seryoso ang mukha niya kaya mas lalong sumikip ang dibdib ko. Sana walang masamang nangyare sakanya.

Lord...

"He's still unconscious pero ligtas na ang pasyente." I mentally uttered my 'thank yous'. Ngumiti ako sakabila ng mga luha sa mga mata ko.

"Ililipat na namin siya sa pribadong kwarto. Mabuti't nadala niyo agad siya sa Hospital dahil kung tumagal pa ay baka tuluyan na siyang maubusan ng dugo. I advice you to checked on the patient from time to time especially that he's still vulnerable. He might commit suicide again." tumango ako. I won't leave his side again. Kahit sabihin niya pang maayos na siya ay hindi ko siya iiwan.

Thank you, Lord.

Tinungo namin ang kwarto niya. He's sleeping but I can see pain and sadness on his face. Marahang kong inabot ang mukha niya at hinalikan ang noo niya.

"Thank you for not disappointing us. You really don't like disappointing us." mahinang bulong ko sakanya.

May alaalang biglang bumalik sa akin.

"I can disappoint everyone but not Russelle Ynessa. Ayokong humahaba ang nguso niya. Ayoko ring mas tumatalim ang mga mata niya." Gabian said that before laughing. I glared at him. May usapan kasi kaming magdidinner sa paborito kong restaurant pero bigla siyang tinawagan ni Tita Gigi dahil gusto nitong si Gabe na muna ang umattended ng meeting nito dahil may personal business itong inaasikaso. Sa harapan ko mismo ay tinaggihan niya ang ina.

"I hate disappointing you. Pakiramdam ko ay isang napakabigat na kasalanan kapag hindi ka napagbibigyan." sabi niya at marahan akong nginitian.

Bumalik ako sa kasalukuyan dahil sa malakas na pagtunog ng cellphone ko. I've been ignoring it. Alam ko na kung sino ang tumatawag. Gabi na at may sinabi siyang dinner para sa aming tatlo. Lumayo ako kay Gabe at hinarap si Gaze.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now