CHAPTER 10

29K 317 23
                                    

I don't know but something in Tage treatment towards me changed. He's no longer pushing me away, instead, he's pulling me to him. Hindi ko maipaliwanag pero ilang beses naulit 'yung pagtulog niya sa kwarto ko. Hindi ko alam kung alam ba ni Ardelle ang tungkol sa bagay na 'yon o hindi.

We never cuddled before. We don't even share the same bed unless we're doing something to pleasure each other kaya hindi ko mapigilang manibago sa mga pinapakita at pinaparamdam niya. Parang noong nakaraan lang ay nagmamakaawa ako sakanyang 'wag akong hiwalayan pero ngayon halos dito na siya sa kwarto ko natutulog habang yakap ako.

Hindi ako nagrereklamo. It actually favors me. We've been married for five years yet I'm not used with my husband being so close to me. Ironic!

Just like the usual morning, I woke up without him on my bed. Wala akong ideya kung anong oras siya umaalis basta ang sigurado ko lamang ay natutulog akong kasama siya.

Nag-ayos ako at lumabas para mag-agahan sa baba. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang helper na nagbubukas ng kwarto nina Tage.

"Excuse me?" lumingon siya sa akin at bahagyang ngumiti.

"Good morning, Ma'am. May kailangan po ba kayo?" magalang nitong tanong. Tiningnan ko muna ang mga gamit na dala niya bago ko isinatinig ang tanong na kanina pa naglalaro sa isip ko.

"Nagcheck out na po ba 'yung nakaukupa dyan sa kwarto?" marahang tanong ko sakabila ng kabang baka umalis na nga ang asawa ko.

"Opo, Ma'am. Nagtaka nga din po kami kasi kaninang madaling araw ay nagmamadaling umalis kasama 'yung girlfriend." alam kong ngayong week sila babalik ng Manila pero hindi ito ang araw na sinabi ni Tage ng pag-alis nila. At nagmamadaling umalis? May nangyare ba? Bigla akong kinabahan. What could have been the reason of their sudden absence?

"Thank you po." sabi ko at bumalik na sa kwarto. Imbes na bumaba para magbreakfast ay inayos ko ang mga gamit ko at nagbook ng flight pabalik ng Manila. If they are in a hurry, maybe something urgent came along the way. And I am dying to know the reason. May nangyare bang masama?

Pag-apak ko palang ng Manila ay agad ko ng tinawagan si Anselmo.

"Nagreport ba sa office si Tage?" tanong ko agad. Natahimik ang kabilang linya ng ilang segundo bago siya sumagot.

"Sumaglit po siya dito kasama si Ms. Ardelle." he was hesitant to include Ardelle's name. Naramdaman ko 'yon.

"Anong ginawa nila dyan?" muling natahimik ang kabilang linya kaya hindi ko na napigilan pang sumabog sa inis. "Are you reporting to someone, Anselmo? Ang tagal mong sumagot!" iritadong sabi ko. Kinakabahan ako at hindi nakakatulong ang delay na ginagawa niya. He uttered his apologies first before telling me his answer.

"Kinuha niya po ang mga gamit niya." mahinang sabi niya. Mahina akong suminghap.

"Anong mga gamit?" ang lakas na ng kabog ng puso ko. Hindi ko nagugustuhan ang mga tumatakbo sa utak ko ngayon.

I mentally shook my head. No!

"Lahat po ng gamit niya sa opisina, Ma'am." nakagat ko ang labi ko sa sobrang kaba. What's the meaning of that? Binaba ko ang tawag without even saying thank you to Anselmo. I dialed Tage's number but it's unattended! Dammit! Nag-pa-panic na ang buong sistema ko.

Pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa kompanya. What is the need of getting all of his things? Not just one thing but all of his things! Muli kong dinial ang numero niya habang papasok ako ng kompanya. Hila-hila ko pa ang maleta ko na talagang kumuha ng atensiyon ng mga empleyado ng kompanya.

May mga bumati sa akin pero hindi ko na magawang sulyapan pa dahil sa mabibilis na hakbang ng mga paa ko. Isama mo pa ang mga hindi ko maipaliwanag na damdaming lumulukob sa dibdib ko.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now