CHAPTER THREE (New Task)

3.8K 252 70
                                    

Don't watch the clock. Do what it does. Keep going

——————1

Leon's POV               

            Nakangiti ako habang nakatingin kay June na pinapalitan ng damit ang anak niya sa stroller. Tinapunan ko ng tingin si Anna at Elsa na nagtatakbuhan sa damuhan. Naglalaro ng bubbles na hinihipan nila at hinahabol para paputukin. Ang sarap pakinggan ng malalakas na halakhak ng mga anak ko. Their laugh always warms my heart.

            And looking at June right now. Kahit alam kong nahihirapan siya sa pagiging bagong mommy, she felt the fulfillment that she was always looking for her life. Being a mother completed her.

            Napabuga pa siya ng hangin nang matapos palitan ng damit ang anak niya. Kinuha niya iyon at kinarga tapos ay inilagay ang bottle feed sa bibig ng bata.

            "Motherhood suits you well." Nanunuksong sabi ko.

            Sinamaan niya ako ng tingin. "Fuck you, Dustin." Pero natawa din siya at tiningnan pa ang anak niya. "Isn't she cute? Kamukha ko 'no?" Tiningnan pa niya ang baby niya.

            Ngumiwi ako at tumingin sa baby. "Sorry. This time I'll tell you the truth. Parang pinagbiyak na arinola 'yan ni asshole Declan."

            Sinimangutan niya ako. "Kamukha ko kaya ang anak ko." Protesta niya.

            Umiling ako. "Nope. It's Declan. Sad to say about it but that's the reality. Ang lakas ng dugo ng animal na 'yon. Babaeng Declan 'yang anak mo."

            Napahinga ng malalim si June pero ngumiti din. "Well, he has good genes though. Maganda ang anak ko."

            Natawa na lang ako at muling tiningnan ang mga anak ko na ngayon ay naggugulong na sa damuhan.

            "How are you?" Seryoso na si June ngayon.

            Ngumiti ako ng mapakla. "Okay. Good."

            "Okay? Good? Pero mukha kang haggard? What is going on with you? Stressed ka ba kasi hindi ka pa nakakabalik sa agency?"

            "I don't think I can go back. It's been a year, but they still don't want me back even if I am good already." Sagot ko

            Alam kong nalulungkot si June para sa akin. Magmula nang magkakilala kami sa agency alam niya kung gaano kaimportante sa akin ang buhay ko doon. Although hindi niya alam kung ano ako dati, alam niya na dedicated ako sa trabaho ko.

            "Huwag kang mag-aalala. Maybe they have other plans. Dustin, we both know that you are a good agent. Pero kasi hindi naman madali ang pinagdaaanan mo. I mean, what you've been through mas matindi pa sa naranasan ng mga rainbow agents sa training camp. And you survived. Sometimes our body is already healed, but our mind is not. Alam mo naman iyon," parang nagpapaliwanag sa bata si June kasi alam kong nakikita niya ang disappointment ko.

            Hindi ako kumibo. May punto naman siya doon. Hindi ko lang din sinasabi kahit kanino pero gabi-gabi ko pa ring napapanaginipan ang nangyari sa akin. Ang mga pahirap na ginawa ni Torque.

            "Enjoy mo na lang muna ang pagiging tatay. I mean, ayaw mo ba noon lagi mong kasama ang mga anak mo? Look at them. They are both happy because you are with them." Tumingin din si June sa mga anak ko.

            Yeah. At least that was the best thing that happen after that nightmare.

            "So, while waiting for the agency to call you back what do you do? Stalking that bitch Kelsey?" Sumimangot si June. Alam kong asar siya sa nanay ng mga anak ko dahil alam niya ang kuwento ng ginawa nito sa akin. At minsan na rin silang nagkaharap na inaway siya dahil napagkamalan na girlfriend ko si June.

CAGED HEART (COMPLETE)Where stories live. Discover now