CHAPTER TWENTY-SEVEN (Change Sides)

3.1K 239 26
                                    

Love is self-realization. Love is liberation. The only way beyond time, to unravel the knot of existence is to love

-----------------------------------

CHANGE SIDES

Leon's POV

            What was wrong with her?

            Ang dami-daming sinasabi ni Ulysses Venderbilt sa akin pero wala doon ang atensyon ko. Nasa isip ko pa rin kung bakit biglang-bigla na nagbago ang mood ni Vie. I knew she was pissed. At me. At hindi ko alam kung bakit.

            "Leon, just tell me how much and I will give any amount that you will say. Tell me who you want to fuck and I will give you any woman that you like."

            Napatingin ako kay Ulysses sa narinig na sinabi nito.

            "For what again?" Sa totoo lang ay hindi ko talaga iniintindi ang sinasabi niya.

            Alam kong nainis siya sa sagot ko. Kanina pa nga naman siya nagsasalita dito pero parang wala akong naintindihan sa sinabi niya.

            "To change sides." Napahinga siya ng malalim. "Look, do you still want to work with Greg Laxamana? Hindi ka man lang sinuportahan noong fight mo. Kahit sa mga ganitong pagtitipon hindi man lang sumipot. Gusto mo pa rin ba siyang maging manager? That man only wanted one thing. Money. At ikaw iyon. Ikaw ang milking cow niya. Because every time you win a fight, malaki ang napapanalunan niya sa pustahan." Paliwanag pa nito.

            "He is not my manager and I don't care about the money." Malamig na tugon ko. "And I trust Mr. Laxamana to be an honest partner."

            Napakamot ng ulo si Ulysses at sabay kaming napatingin sa pinto nang pumasok ang isang babae. Kilala ko iyon. Isa sa mga cage girls niya.

            "Have you met Holly? She is the favorite among my cage girls. Both fighters and clients wanted to have a taste with her." Ngumiti ng nakakaloko ang lalaki. "And tonight, she can give you a very good time." Sumenyas siya sa babae na tumabi sa akin at ginawa naman nito. Tumabi ang babae sa akin at agad na dumikit sa akin.

            Ngumiti ako ng maasim sa babae at bahagyang lumayo dito.

            "I don't want women, Mr. Venderbilt. I am satisfied with what I have right now." Si Vie ang pumasok sa isip ko nang sabihin iyon.

            "With Vie?" Natawa siya ng nakakaloko. "Are you satisfied with my daughter? Does she serve you well?"

            Naningkit ang mata ko sa kanya. "We are talking about your daughter. Okay lang sa'yo na kasama siya ng kung sinong lalaki?"

            Nakita kong bahagyang nagulat si Ulysses sa sagot ko pero pinilit na magpaka-kaswal.

            "I trained my daughter well. Alam niya kung ano ang trabaho niya at gagawin niya ang lahat para lang sa business namin. Walang ibang magmamana nito kundi siya. She is a woman, but trust me she can run this empire by herself."

            Hindi na ako kumibo. Gusto ko na lang umalis dito at hanapin si Vie para makausap ko kung bakit ito nagagalit sa akin.

            Sinenyasan ni Ulysses si Holly na lumabas at muli ay kaming dalawa na lang ang naiwan doon.

            "You don't want millions?" Halatang nauubos na ang pasensiya niya sa akin.

            "I am satisfied with what I earn and I am okay with that." Kung puwede ko lang sabihin sa kanya na ang gusto ko ay malaman kung paano nila ginagawa ang hunting game para matapos na kami dito. Para magawan na namin ng paraan kung paano matitigil ang kawalanghiyaang ginagawa nila sa mga bata.

CAGED HEART (COMPLETE)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ