CHAPTER THIRTY-FIVE (Rights)

2.9K 188 52
                                    

The enemy wouldn't mess with you if you weren't somebody. Obviously, he sees your potential as a threat to his plan.
- unknown

—————-

Vie's POV

"Where are we going, Tita Vie?"

"Your dad said we are going to visit your grandma," nakangiting sagot ko kay Anna habang inaayos ang suot nitong damit.

"I miss granny." Sagot nito at tinapunan ng tingin ang kapatid na nakaupo sa couch at naglalaro ng hawak na manika. "Where is dad?"

"Dad will meet us there." Nakangiting sagot ko. Sinabihan ko silang maupo sa sofa at hintayin ako dahil ako naman ang mag-aayos. Inuna ko lang silang asikasuhin para kapag natapos ako ay aalis na kami.

Leon didn't go home last night. Nag-message lang sa akin na magkikita sila ng boss niya. Si Mr. Laxamana. At sinabi na naging maayos naman ang weigh-in nila ni Johnny. But other than that, he didn't tell me anything. Hindi nga niya ako tinawagan.

Kahit paano ay nakakaramdam ako ng kaba. Tulad ng sinasabi ko sa kanya, everything that was happening right now looked so perfect. Parang walang problema. At hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit kinakabahan ako ng ganoon. Siguro kasi nasanay ako sa buhay ko na lagi akong nag-aalala dahil sa mga ginagawa ni Papa at sa mga pangha-harass sa akin ni Johnny.

Even my father was quiet too. Hindi niya ako kinukulit nang tungkol sa pag-persuade kay Leon para lumipat sa kampo niya. Ni hindi nga niya ako tinatanong kung ano ang nangyayari sa akin kasama si Leon. Biglang parang wala na siyang pakialam sa akin.

And that was freaking strange. My father needed me in his business and he suddenly he didn't need me now? What was going on? Pero sa totoo lang, mas gusto ko ito. This was the first time I felt peace. Being with Leon and his kids, brought peace in me. I love taking care of them. Playing mother. Playing the good housewife. Napakagat-labi ako nang maalala ko ang mga ginagawa namin ni Leon pagdating ng gabi. That was the best part of this arrangement. Making love with him would always be what I wanted being with him.

We didn't talk about. About us. Basta sinasabi ko sa kanya na gusto ko siyang makasama. That was why I am doing this. I wanted to be perfect for him. For his kids. Para makita niyang kahit hindi ako ang tunay na ina ng mga anak niya, I could be fit for their lives.

Narinig kong tumunog ang telepono ko kaya binilisan kong matapos maligo. Nagtapi lang ako ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig mula sa katawan ko nang damputin ang telepono ko. Nakita kong si Brandon ang tumatawag sa akin.

"Hey. What's up?" Inilagay ko sa speaker mode ang telepono para magawa ko ng malaya ang magbihis habang nakikipag-usap sa kanya.

"Did you know what happened?" Dama ko ang pag-aalala sa boses niya.

Kumunot ang noo ko. "Why? Something happened to dad?" biglang binundol ng kaba ang dibdib ko.

"The orphanage. Nasunog kagabi."

Napahinto ako sa ginagawa. "What?" Shit. "The kids? What happened to the kids?" Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng kabog noon.

"I don't know. They are all missing." Narinig kong mahinang nagmura si Brandon. "Mario and Gibo are dead. Nasama sila sa nasunog na orphanage. Everything was burnt to the groud."

"Oh my God. Oh God." Kilala ko ang dalawang iyon. Sa kanila ako nagbibigay ng cash donations para sa orphanage. "Saan napunta ang mga bata?" Naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala.

CAGED HEART (COMPLETE)Where stories live. Discover now