CHAPTER TWELVE (Prisoner)

3K 230 45
                                    

If you fail the first time, there's a chance to start again

———————

Vie's POV

            Sa tuwing makakaharap ko ang Greg Laxamana na iyon, hindi ko magawang tumanggi sa mga inuutos niya. Nakakatakot siya. Nakakakaba sa tuwing magsasalita. His voice, his whole persona has full of authority na kahit sino ay hindi puwedeng hindi sumunod. Well, nakakatakot man siya, kapag sinabi niyang walang mangyayaring masama sa akin, naniniwala ako. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit natatakot ako sa kanya, sinusunod ko pa rin siya because the assurance in his voice was really convincing.

            But the man outside. That Leon. Napapikit ako sa inis nang maalala ang mga sinasabi niya. Bakit niya ako pilit na tinatanong tungkol sa punyetang hunting game na iyon? Ano iyon? I don't have any idea about that. The first time I heard that was when my father said it. Tapos sa kanya. Buwisit na Leon. Dapat talaga hindi ko na lang tinulungan ang isang iyon. Pinabayaan ko na lang siyang mag-pass out sa semento at nilayasan ko na lang siya. Bahala na siyang maubusan ng dugo o ano. 

            Pero saan naman nga ako pupulutin kung gagawin ko iyon? Paano ang mama ko? Ang kapatid ko? My father was holding them hostage. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit ako nagtitiyaga na kasama si Papa at sumusunod sa mga gusto niyang mangyari.

            Hunting game. Kids? Leon was talking about kids. Some organization that he thinks I am in. Ang alam ko lang naman na organization na involve si Papa ay ang fight promotion nito. And that promotion doesn't involved kids.

            Napailing ako. Malamang nga nasobrahan ng bugbog ang lalaking iyon kaya nagha-hallucinate siya. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya.

            Lumapit ako sa pinto at sinubukang pihitin iyon. Makikipag-usap ako kay Greg Laxamana. Tingin ko, mas maayos kausap ang isang iyon kaysa kay Leon. Pero napakunot ang noo ko nang hindi ko mapihit ang doorknob. Ilang beses kong sinubukang pihitin pero ayaw. Naka-lock.

            "Shit." Lalo kong itinodo ang pagpihit pero ayaw talaga. "Shit!" Ngayon ay pinukpok ko na ang pinto. "Open this door!" Pilit kong hinihila ang doorknob sa pagbabakasakaling bubukas iyon.

            Idinikit ko ang tainga ko sa pinto at nakakarinig ako ng pag-uusap. Sigurado akong may tao pa sa labas.

            "Open this door!" Talagang wala akong tigil sa pagpukpok sa pinto. Hindi puwedeng hindi nila ako naririnig. Ano ang mangyayari sa akin dito? Am I going to be a prisoner here? Just like Johnny wanted to do to me.

            But no one opened the door for me. Napagod at nasaktan lang ako sa pagpukpok ng pinto. Parang nanghihinang napaupo ako sa sahig at hindi ko napigil ang pagtulo ng luha ko.

            Ganito na lang ba ako habang-buhay? My father fed and took care of me, but he made me a prisoner. Taking away my mother and my sister so he could have a hold of me. So, he knew I would follow whatever he wanted me to do. He tried to give me to Johnny, fate joked, and it didn't happen. Instead, I am here. With these people I don't even know, and I don't have any idea what they would do to me.

            Pinahid ko ang mga luha ko at tumingin sa paligid. Maayos naman ang silid. Kasi kung may masama silang balak sa akin, they could bring me to a warehouse. Or a place where they could kill me easily. Tumayo ako tinungo ang mga cabinets na naroon. Napapikit-pikit ako dahil napakaraming damit ng mga babae ang naroon. Kumuha ako ng isa. It was a long white dress and it looked beautiful. Ibinalik ko iyon tapos ay inisa-isa pa ang mga damit. Hindi mga mukhang mumurahin ang mga narito. Kung sino man ang may-ari, sigurado akong may taste ang babaeng iyon.

CAGED HEART (COMPLETE)Where stories live. Discover now