CHAPTER FORTY-TWO (White Room)

3.6K 236 38
                                    

When monster stopped behaving like a monster, did it stop being a monster? Did it become something else?
————————

Leon's POV   

            Hindi matawaran ang saya sa mukha ng nanay ko nang makita niya ang mga apo niya. Iyak nang iyak habang yakap-yakap ang dalawang bata. Walang tigil sa kakahalik sa mga ito. Paulit-ulit na nagpapasalamat sa Diyos na naibalik ang mga apo niya sa kanya.

            Wala ring tigil ang pagtatanong niya sa akin. Kung hindi na daw ba manggugulo si Kelsey. Kung hindi na daw ba kukunin ang mga bata sa amin. Sinabi kong maayos na ang lahat at kahit kailan ay hindng-hindi na manggugulo ang dati kong kinakasama.

            Dahil iyon ang pangako sa akin ni Ghost. At kapag nangako ang isang iyon, alam kong tutuparin niya. Wala pang pangako na napako ang boss ko. Kahit imposible ay ginagawa niya.

            Ang isa pang ikinasisiya ng nanay ko ay ang pagbabalik ni Brad. Lalo nang umiyak nang umiyak nang pagdating namin sa bahay ay hindi lang ang mga anak ko ang kasama namin. Naka-wheelchair si Brad nang ipasok ko sa bahay na agad na sinalubong ng nanay ko. Napakasaya daw niya at dininig ng Diyos ang lahat ng mga dasal niya. Iyon ay ang maibalik sa mabuting kalagayan ang mga apo niya at ang umuwi si Brad sa kanya. Tatanggapin na nga daw niya kung bangkay na uuwi ang kapatid ko pero ang malaman na buhay pa ito, lalo lang siyang nanalig sa Diyos at wala na siyang mahihiling pa.

            Nakatingin lang ako sa mga taong nagkakagulo sa loob ng bahay. Walang tigil ang pagtatawanan ng mga anak ko habang nakikipaglaro kay Vie. Ang nanay ko at si Brad ay nag-uusap. Siguro ay nagpapaliwanag si Brad kung ano ang nangyari bakit ito nawala. Pinabayaan ko na lang. Makita ko lang silang masaya, masaya na rin ako. Lalo pa ngayon na alam kong tapos na ang lahat. Wala nang manggugulo sa amin at tapos na rin ang trabaho ko.

            "Ang saya nilang tingnan."

            Tumingin ako sa nagsalita sa tabi ko at nakita kong si Vie iyon. Ipinulupot ko ang kamay ko sa baywang niya at lalong inilapit sa akin. Hinalikan ko pa sa ulo at pareho kaming nakatingin sa pamilya ko.

            "Everything is fine. Wala nang manggugulo sa atin."

            Ngumiti siya. Pero kitang-kita ko na hindi umabot sa mga mata niya ang saya sa ngiti na iyon.

            "Malungkot ka pa rin? Okay na naman 'di ba? Nagawan ng paraan ang Fighter's Ring. Tapos na ang imbestigasyon doon at napatunayan na legit naman ang mga fights na ginagawa 'nyo doon. The underground fights are already over. Wala ng mga fighters na lalaban doon. As for the hunting game, alam din natin na hindi na makakapanakit pa ang mga tao na involved doon." Paliwanag ko sa kanya.

            Kita kong namuo ang mga luha sa mata ni Vie at pilit na ngumiti sa akin.

            "And that involved my father. And I am sure, he got the same fate like those who were killed." Napailing siya at agad na pinahid ang mga luha na tumulo sa pisngi. "I don't know if I am going to thank the people who crushed the underground fights and hunting game. I know my father is not perfect. He did terrible things to people, to my mother and sister. To me. But he is still my father, Leon. Kung may nangyari man sa kanya. Kung pinatay din siya, at least makita ko man lang ang katawan niya. I wanted to give him a proper burial if he is dead."

            Lalo kong hinigpitan ang pagkakahapit kay Vie. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanya. Wala akong masabi sa babaeng ito. Sa kabila ng ginawa ng tatay nito sa kanya, lumalabas pa din ang pagiging mabuting anak ni Vie. Napahinga ako ng malalim. I did some digging on my own. I was looking for Ulysses Venderbilt too. Pero kahit si Ghost ay walang maisagot sa akin. Kahit ito ay hindi alam kung ano ang nangyari sa tatay ni Vie.

CAGED HEART (COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant