CHAPTER SEVEN (Face Off)

3.1K 256 56
                                    

You don't get what you want. You get what you work hard for.

---------------------------------------

Leon's POV               

            Hindi ko pinapansin si Agent Blue at si Agent Orange na nakatayo sa harap ko at nag-uusap. Nakaupo lang ako sa isang sulok habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko para sa weigh-in ngayong gabi. Napahinga ako ng malalim. Fucking weigh-in. Sa totoo lang, every fight, this was what I hate. Kailangan naka-condition ako. I've lost weight the past week while I was training hard. Kanina lang bago kami pumunta dito ay ibinabad ko muna sa hot water ang katawan ko at nag-stay sa sauna. Kailangan kong pagpawisan ng sobra para mas gumaang ang katawan ko.

            I still have a week to gain weight before the fight. I still have a week to train more.

            Why are you still pushing yourself so hard? You are going to lose anyway.

            Napahinga ako ng malalim nang maisip iyon. Bakit nga ba? Sa tuwing maiisip ko na matatalo lang din naman ako, nabubuwisit na ako kay Ghost. All of my sacrifices, my hard work and hardcore trainings would be for nothing.

            "Kilala mo na ba ang makakalaban mo?"

            Nag-angat ako ng ulo at si Agent Orange ang nagtatanong noon. Umiling lang ako sa kanya.

            "You don't know? Ano 'to? Parang susugod ka sa isang case na hindi man lang inaaral ang case na iyon? Dustin, we don't work that way in the agency," tonong nagpapa-alala si Agent Blue.

            Napapailing na tinapunan ko lang sila ng tingin at muling yumuko.

            "We are not in the agency. In this game, rules are different." Maiksing sagot ko. Napapikit ako at naisip ko ang dalawa kong anak. Isang linggo ko na rin silang hindi nakikita. Then another week before the fight. Then after the fight...

            Mahina akong napamura. What will happen after the fight? What will happen to me? I was sure that the fight would be a bloody one. It was always fight to the death. And I would be the one on the losing end.

            Ihinilamos ko ang kamay sa mukha ko. Ngayon pa lang ay nag-iisip na ako ng paraan kung paano ako makakatakas sa nalalapit kong kamatayan. Fucking Ghost. What he gave to me was a death sentence. And if that happened that I didn't survive the fight. I would make sure I am going to pay him a visit every fucking night when I die.

            "And your name is not Dustin? It says here it's Leon Deaver Kaestner. Wow. Sounds foreign," natatawang komento ni Agent Blue habang nakatingin sa hawak niyang telepono. Sigurado na ako na iyon ang profile na ipinagawa ni Ghost para sa akin. He put all my details when I was still a fighter seven years ago.

            "And you got fifteen fights? You all won those fifteen fights?" Boses naman ni Agent Orange iyon. Nakikitingin na rin sa hawak na telepono ng kasama nito.

            "Fifteen fights. It means fifteen kills?" Halos magkapanabay na bigkas ng mga ito.

            "Those were the days." Tanging sagot ko.

            "What happened? Bakit bigla kang huminto sa pagiging fighter?" Hindi ko na alam kung sino ang nagtanong na iyon. Basta nakayuko lang ako. The anticipation was already killing me.

            "You killed fifteen people inside the ring?" Halatang hindi sila makapaniwala sa nalaman nila.

            Dumeretso ako ng upo at sumandal sa dingding. Kahit wala pang nangyayari pakiramdam ko ay napapagod na ako.

CAGED HEART (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora