CHAPTER THIRTY-TWO (A happy family-like)

3.4K 250 22
                                    

It's not how big the house, it's how happy the home is

—————-
Vie's POV

Walang tigil sa pag-iingay ang mga anak ni Leon sa likod ng sasakyan habang pabiyahe kami pabalik sa tinutuluyan namin. Siya naman ay walang imik na nagmamaneho. Tinatapunan ko lang ng tingin ang mga bata tapos ay siya pero hindi ako nagsasalita. Alam kong malaking issue itong ginawa niya. Siguradong magwawala ang nanay ng mga bata dahil sa pagkuha niya tapos siguradong malulungkot ang nanay niya dahil nawala ang mga apo sa poder nito. Pero ipinaliwanag naman ni Leon na pansamantala lang ang sitwasyon ito hangga't hindi niya naaayos ang paghahabol ni Kelsey.

Napairap ako nang maalala ang babaeng iyon. Sobrang bitch talaga. Ngayon pa bumalik kung kailan na maayos na ang mga bata. At nakikita ko naman na kuntento na ang mga anak ni Leon na sila-sila lang ang magkakasama. Totoong malilito ang mga ito kung bigla-biglang papasok sa eksena si Kelsey. Siguradong trauma sa mga bata iyon.

Sinira pa ng babaeng iyon ang magandang moment namin ni Leon kanina. Natuwa ako sa ginawa niya. Hindi ko akalain na makakagawa siya ng paraan na makita ko si Mama at si Vexie. Kahit sandalling oras lang iyon, talagang napakahalaga noon sa akin. Ibang klase ang kilig na naramdaman ko. First time talaga ito na may lalaking nag-intindi sa mga sinasabi ko at sa gusto ko.

Huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng bahay. Sigawan ang dalawang bata. Bumaba si Leon at ganoon din ang ginawa ko. Binitbit niya ang mga gamit ng mga anak niya at ako naman ay inalalayan ang dalawa na makapasok. Tuwang-tuwa ang mga ito na nagtakbuhan. Binubuksan ang bawat silid. Tinitingnan kung ano ang makikita sa mga iyon. Pinabayaan ko lang. Sigurado naman ako na mamaya lang ay mapapagod na ang mga ito matutulog na rin.

"May tatawagan lang ako. Can you please look after them?" Seryosong sabi sa akin ni Leon nang maipasok sa loob ng bahay ang mga gamit ng mga bata.

Tumango lang ako at sinundan ko siya ng tingin nang bumalik siya sa labas. May tinawagan nga siya at kitang-kita kong seryoso si Leon. Pinabayaan ko na lang at hinarap ko ang mga bata. Dalawa lang ang kuwarto sa bahay na ito. Naisip kong dito na lang sila mag-stay sa tinutulugan ko. Well, I don't know what will happen after this. Leon and I had sex. He got his prize and he didn't need me at all. Pakiramdam ko ay may bumarang kung ano sa lalamunan at namasa ang mata ko. Parang hindi na ako sanay na wala siya sa tabi ko.

"Tita Vie, are you going to be our new mom?" Tanong ni Anna sa akin.

Natawa ako at tumingin sa dalawang bata na nagtatalunan sa kama. Sumampa din ako doon at nakisali sa kanila. Ang lalakas ng mga halakhak nila. Parang walang problema. Kung sana puwedeng ganito lang din ako. Tatawa na lang dahil walang problemang iniintindi.

"No. Your dad might want someone else," pilit akong ngumiti sa mga bata kahit sinasabayan ko sila sa pagtalon.

"But we want you. You're nice. And you let us play with your hair and your face," lumabi pa si Anna at huminto sa pagtalon. Nahiga ito sa kama at ginaya din ito ng kapatid. Ganoon din ang ginawa ko at sumiksik silang dalawa sa akin. "You're beautiful." Sabi ni Elsa.

Ngumiti ako sa magkapatid. "You both are beautiful too. And you know what beautiful girls do? They rest. They sleep so they will become smart and strong."

Naghagikgikan ang dalawa at parehong pumikit ang mata. Kunwari ay mga natutulog na. Tawa lang din ako ng tawa at napatingin sa pinto nang may kumatok doon. Bumukas ang pinto at si Leon ang sumilip doon. Pilit na ngumiti sa akin.

"Can we talk?" Tanong niya.

Napalunok ako. Ito na. I am sure this was it. He wanted me to go.

CAGED HEART (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum