CHAPTER THIRTEEN (Crush)

3K 237 41
                                    

You don't get what you want. You get what you work for.

——————————————

Leon's POV

            Wala kaming imikan ni Vie habang pareho kaming nakaupo sa harap ng mesa at sa harap namin ay dalawang mugs ng umuusok na kape. Tulad niya, hindi ko din alam kung ano ang mangyayari sa amin dito. Naghihintay lang din ako sa susunod na utos ni Ghost. Napasimangot ako nang maisip ang matandang iyon. Ang dami-daming plano na siya lang ang nakakaalam. Parang mas gusto ko pa talagang direktang nag-re-report kay Chief Coleman. At least si Chief, direkta ang utos. Kung ano ang gusto, sinasabi. Kung ano ang kailangan kong gawin, rekta niyang sasabihin. Itong si Ghost, nakakakunsumi. Laging kailangan may pa-mystery effect. Nababagalan ako.

            Tulad nito. Ano ang plano sa anak ni Ulysses? Napakadali lang naman kasi. I-interrogate. Tanungin kung anong alam ng babaeng ito tungkol sa gawain ng tatay niya. And I knew I can make her crack and tell me everything that she knows. Ang problema, gusto pa ni Ghost ng mabagal na proseso. Hanggang kailan ako ganitong mangangapa sa kailangan kong malaman?

            "So... you work for Mr. Laxamana?" Si Vie ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.

            Tumingin lang ako sa kanya at dinampot ko ang kaharap kong mug ng kape at uminom doon bago tumango.

            "Okay ba siyang boss?" Tanong pa niya at dinampot din ang coffee mug niya at uminom doon.

            Tumango lang ulit ako. I am getting bored at this kind of thing. Yes, I know how to blend with people. I know how to play them, but this one? Hindi ko maintindihan kung bakit nag-uumpisa akong mairita sa kanya kahit na ba maganda siya. Naiirita ako sa mga tanong niya.

            "About Mr. Laxamana," ngumiti siya sa akin. Naparolyo ako ng mata. Nauumay na ako kakarinig ng pangalang Mr. Laxamana. Napailing pa ako dahil halatang nagpipigil lang siyang mangiti ng todo. "Matagal na siyang biyudo?"

            Napa-angat ang kilay ko at napakamot ng ulo. "He is my boss, but I don't know his personal life."

            Halatang na-disappoint si Vie sa sagot ko.

            "What about his son? You told me he got a son. Ilang taon na? Teenager?"

            Natawa ako sa tanong niyang iyon. Si Declan? Teenager? Matanda na ang isang iyon pero tama naman. Kung umakto naman ang gagong iyon ay parang teenager na hindi pa tuli.

            "Matanda na ang anak niya. Matanda pa sa iyo." Muli ay humigop ako sa hawak kong coffee mug.

            Napa-oh lang siya tapos ay inayos-ayos pa ang buhok. Halatang nagpapa-cute pero alam kong hindi para sa akin.

            "But would you know if he is dating someone? Si Mr. Laxamana?" Ngayon ay matamis na naman ang ngiti niya sa akin.

            Jesus Christ. She got a crush on Ghost? Sa gurang na iyon? What's with this woman? Hindi ko alam kung duling ba ito o bulag at hindi niya nakikita na halos anak na ang hitsura niya kapag magtabi sila ni Ghost.

            "You like him?" Direkta kong tanong sa kanya.

            And there she was. Blushing and all. Like a teenage girl who learned everything about her crush. At hindi ko maintindihan kung bakit ikinairita ko iyon. Nandito siya para malaman ko kung ano ang alam niya tungkol sa mga pinapatay na mga bata. Hindi para magka-crush siya sa gurang kong boss.

            "He is nice. He looks good too. Hindi naman halatang nasa fifties na. Saka the way he carries himself. Full of confidence. Authority. I mean, hindi niya kailangang makipagbugbugan sa ring just to get the attention of people. Just by standing in the crowd, he stands out." Punong-puno ng paghangang sabi ni Vie kahit wala sa harap niya si Ghost.

CAGED HEART (COMPLETE)Where stories live. Discover now