CHAPTER FOUR (His Smile)

3.6K 214 26
                                    

Never give up hope. Because your miracle could be right around the corner.

-------------------------------------

Vie's POV                 

            Kahit alam kong suntok sa buwan itong gagawin ko, pipilitin ko pa ring kausapin si Papa. Pipilitin kong ipaintindi sa kanya na hindi ako isang commodity na puwede niyang ipamigay basta-basta. Kahit na nga ganoon ang nararamdaman kong turing niya sa akin. Na dahil isa akong babae, wala akong puwang sa mundong ginagalawan niya. Naroon lang ako, lagi niyang isinasama para attraction sa mga parukyano ng mga fights niya. Napasimangot ako. Those people. Those men who wanted gore and thrill and pretty women beside them. Who in their right mind would bring women in a deadly fight? Gusto nilang makita ng mga partners nila na natutuwa sila sa mga nagbubugbugan na tao sa gitna ng ring? Nagpapatayan para lang sa pera. Para sa fame? Para sa power?

            Napahinga ako ng malalim. Makikipagtalo na naman ba ako sa sarili ko? Of course men wanted to feel that they are above women. They wanted to feel that every time their women beside them saw blood and gore, they were there to calm them when they were afraid. Naparolyo ako ng mata. Ilang beses na ba akong nakakita ng ganoon? Mga feeling knight in shining armor kapag nandidiri na sa dugo ang mga partners nila habang nanonood ng fight.

            But me. Iba ako sa kanila. I am used to see blood. I am used with the violence. But like what I said to my father, I am not going to get used with the deaths that always happens in their underground fights.

            Bakit kasi may underground fights pa? Bakit may illegal pa? Hindi pa ba sila kuntento sa mga nagbubugbugan sa mga legal fights? Kumikita din naman sila ng malaki doon. Bakit kailangan pang mayroong Death Match at bakit kailangan laging may mamamatay sa huli? Ano iyon? Ganoon na ba kawalang kuwenta ang buhay ng tao para sa kanila? Para sa mga taong tumatangkilik sa larong iyon? Hindi ba nila iniisip na may pamilyang iiwan ang mga iyon? I've seen countless of deaths inside that death cage and I can't forget the fear that I saw in those people's eyes when their opponent would give the deadly blow.

            They signed up for that. Alam nila na maaari silang mamatay sa game na iyon. Their family will be compensated still kaya hindi mo kailangang makaramdam ng konsensiya.

            Just like that. My father always tells me that those killed fighters will still be paid. Pero pera lang ba ang mahalaga?

            Napaangat ako sa kinauupuan nang pumasok si Papa. Halatang nagulat siya na maabutan ako sa loob ng opisina niya.

            "What are you doing here?" Seryosong tanong niya. Shit. I think wrong timing ako . Mukhang wala siya sa mood. Dumeretso siya sa table niya at naupo sa harap noon.

            "'Pa, about what happened yesterday. About Johnny-"

            "What about Johnny? The deal is done. If he wins, and I am telling you he will win, you will go with him." Walang anuman na sabi nito.

            Nagtagis ang bagang ko tapos ay napalunok.

            "I don't want. I don't to go with Johnny. I am not a trophy that he could have if he wins. I am a person, and I have the right to choose for my life."

            Tumalim ang tingin sa akin ng tatay ko.

            "And when did you have the right to choose for yourself? I own you. I give you your life. Kaya kung ano ang gusto kong gawin mo, iyon ang gagawin mo. And now, Johnny wants you then he can have you." Matigas na sagot niya.

CAGED HEART (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon