CHAPTER TWENTY-FOUR (New Ally)

3.1K 246 19
                                    

The head never rules the heart, but just becomes its partner in crime. - Unknown

---------------------------------------

NEW ALLY

Vie's POV

            Leon's mom was cool.

            She never asked me who I was. Kung ano ang sinabi ni Leon sa kanya na kaibigan lang ako ng anak niya, iyon lang ang pinaniwalaan niya. Pero alam kong marami siyang gustong itanong sa akin. Ang mga anak lang ni Leon ang makukulit. Tanong ng tanong kung sino daw ba ako. Kung ako daw ang bagong girlfriend ng daddy nila. Kung ako na daw ang magiging bagong mommy nila.

            Naloka ako sa mga tanong na iyon. But the kids were so nice and adorable. I so love bonding with them. Talagang hindi sila umalis sa tabi ko buong maghapon. Hindi na nga namin namalayan ang pagtakbo ng oras dahil nawili kami sa pretend hair and make-up play. Inayusan ko sila ng buhok. Tuwang-tuwa nang lagyan ko ng make-up ang mga mukha nila. I let them play with my hair and face too. Kaya kahit sabog-sabog ang buhok ko at lampas-lampas ang eyeshadow at lipstick ko sa mukha na kagagawan nila ay pinabayaan ko lang. They couldn't contain their happiness while we were playing. Halatang kulang na kulang sa atensyon ng nanay ang dalawang bata. Ngayon nga ay narito kami sa kuwarto nila at binabasahan ko naman sila ng fairy tale stories.

            Natatawa ako na nagtatalo pa ang dalawa kung ano ang babasahin ko. Si Anna ang gusto ay Sleeping Beauty. Si Elsa naman ang gusto ay Snowhite. Para hindi sila mag-away, Beauty and Beast ang binasa ko sa kanila.

            Pero hindi naman nagtagal at wala nang nakikinig sa akin. Wala pa ako sa kalahati ng binabasa ko ay tulog na ang dalawang bata sa tabi ko. Napapangiti ako habang nakatingin sa kanila. Ang gaganda ng mga anak ni Leon. Ang suwerte niya at may mga anak siya. Ako kaya? Kailan magkakaroon ng mga ganito? Natawa ako ng mapakla. As if naman na magkakaroon ako ng matinong asawa. Ngayon nga ay walang kasiguraduhan ang mangyayari sa buhay ko dahil sa sitwasyon ko kay Leon. I am his prize and he could do whatever he wanted to do with me. But definitely I knew love won't be on the list. He could use me. Take me. But other than that, there would be no feelings involved.

            Nanlaki ang mata ko sa naisip ko. Love? Shit. That's absurd. Malabong-malabo na magkaroon kami ng love life ni Leon. Magulo pa buhok na buhol-buhol ang isip noon. And cage fighters were definitely unstable. They couldn't control their rage. They could be a lovable guy right now, but after a few minutes they would lash out their anger over nothing. I grew up with Victor to be like that, and I knew Leon won't be different from him.

            "Tulog na pala ang mga bata."

            Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong nakatayo sa pinto ang nanay ni Leon. Tipid akong ngumiti sa kanya at dahan-dahang umalis sa kama. Inayos ko pa ang pagkakahiga ng dalawang bata bago humarap sa kanya.

            "Napagod ho sa paglalaro." Sagot ko.

            Ngumiti siya. "Mukhang enjoy na enjoy naman ang dalawa. Iwanan mo na muna. Halika at mag-meryenda tayo sa ibaba. Nagpa-deliver ako ng siopao."

            Nauna na siyang tumungo sa dining kaya sumunod ako. May nakahain ngang siopao sa mesa at dalawang puswelo ng kape. Naroon din ang ilang box ng tea at bote ng kape.

            "Hindi ko alam kung kape o tsaa ang gusto mo. Bahala ka nang mamili. May softdrinks din sa ref pero nakatagong maigi. Ayaw ko kasing sanayin ang mga bata na uminom ng mga soda-soda na 'yan," naupo ang matanda sa harap ng mesa at ganoon din ang ginawa ko.

            Kumuha ako ng isang green tea bag at iyon ang ginawa ko. Napatingin ako sa kanya at natatawa siyang nakatingin sa akin.

            "Bakit ho?" Taka ko.

CAGED HEART (COMPLETE)Where stories live. Discover now