CHAPTER THIRTY-SIX (Broken Promise)

2.9K 191 79
                                    

We live in a world built on promises constructed by liars - unknown

Leon's POV

"Are you sure you don't want me to come with you?"

Tinapunan ko lang ng tinging si Vie na nakahiga sa kama at nakatingin sa akin habang nagbibihis ako.

"You better stay here with the kids. Don't worry about me. Uuwi ako mamaya dito nang buong-buo." Sagot ko sa kanya at nilapitan ko tapos ay hinalikan ko siya sa labi.

She was kissing me like she didn't want to let go of me. She was was pulling me closer to her. Parang hindi lang namin katatapos ng isang matindihang laban sa kama.

Natatawa akong humiwalay sa kanya.

"Stop doing this. Baka hindi na ako humiwalay sa iyo at hindi ko na siputin ang fight." Marahan kong hinaplos ang pisngi niya tapos ay lumayo at nagpatuloy sa pagbibihis.

"Iyon nga ang gusto ko. Ayaw kong umalis ka dito. Ayaw kong lumaban ka pa kay Johnny." Kita ko na naman ang pag-aalala sa mukha niya.

"Vie, you know I have to do this. This is for you too. After this, after I win wala ng puwedeng magpahiwalay sa atin. Not Johnny. Not even your father. I am going to tell him that you are mine." Sagot ko sa kanya.

Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko at naupo lang sa kama habang nanatiling nakabalot ang kumot sa katawan.

"I know something is going to happen tonight. I can feel it." Nag-aalalang sabi niya.

Ngumiti ako at naupo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

"Nothing is going to happen. I told you many times. I know how dirty Johnny will fight tonight at nakahanda ako doon. Alam ko na ang mga gagawin niya. And don't worry. I have people who will be with me. Hindi ako mag-iisa doon. Hindi ako pababayaan ni Mr. Laxamana."

Hindi pa rin siya mapakali. Halatang-halata pa rin na may iniisip.

"Let me go with you. Please? We can drop the kids to your mom's house. Kahit ngayong gabi lang. I want to be with you tonight." Pangungulit pa rin niya.

"No. Stay here. Do that for me. Ayaw kong ma-distract dahil nandoon ka. Baka habang nasa cage ako sa iyo lang ako nakatingin at mas magkaroon pa ng chance si Johnny na bugbugin ako." Pinilit ko na lang magpatawa sa kanya. But she didn't laugh at my joke. Didn't smile just a little bit. Muli ay hinalikan ko siya sa labi. "Nothing is going to happen. I'll be here before midnight. And if I have cuts, bruises, I want you to take care of me then we will make love the whole night. And the following night, and so on. Until the day we grow old and die."

Napatitig lang sa akin si Vie at parang ina-absorb ang sinasabi ko.

"I realized something. Those days that we are living in this house. Playing a cute family with my kids. Us, playing husband and wife. Bakit hindi na lang natin totohanin?"

Napakunot ang noo niya at ngayon ay nagtataka na sa sinasabi ko.

"What? Anong sinasabi mo?"

"I mean, we are like a family, right? Kasal na lang ang kulang sa atin para hindi na tita ang tawag sa iyo ng mga anak ko. Does Mommy Vie sound better than Tita Vie?" Pinipigil ko ang mapangiti habang nakatingin sa gulat na reaksyon ng mukha niya.

"Wait." She cleared her throat and sat properly on the bed. Dumulas pa nga ang kumot na nakatabing sa katawan niya at lumabas ang dibdib niya pero hindi na niya pansin iyon. Talagang nakatitig siya sa akin at iniintindi ang sinasabi ko. "Leon, what the hell are you talking about?"

CAGED HEART (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora