CHAPTER THIRTY-SEVEN (Loser)

2.8K 213 64
                                    


To survive it is often necessary to fight and to fight, you have to dirty yourself - George Orwell

Vie's POV

Hindi ko kayang magtiis mag-isa dito.

Hindi ko kayang hindi malaman kung ano ang nangyayari kay Leon. Kailangan kong pumunta sa fight niya at malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Napatingin ako sa dalawang anak niya na nanonood ng TV. Hindi ko naman puwedeng basta iwan dito ang mga bata. Pero nag-aalala din ako kay Leon.

Napahinga ako ng malalim at nagbihis. Iba sa madalas kong suot na maganda at sexy na damit sa tuwing nanonood ako ng legal and underground fights, ngayon ang isinuot ko ay jeans, loose shirt at nagsuot pa ako ng hoodie jacket. Inayos ko din ang gamit ng mga bata at sinabi sa kanila na dadalawin namin ang lola nila. Doon ka na muna sila iiwan at pupuntahan ko ang fight ni Leon.

Gulat na gulat sa akin ang nanay ni Leon nang ako at ang mga apo nito ang napagbuksan ng pinto.

"Vie! Aba, at gabing-gabi na kayo ng mga bata. May nangyari ba?" Takang tanong nito sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Alam kong nagtataka din siya sa hitsura ko dahil sa tuwing magkikita naman kami ay hindi ako ganito pumorma. "May emergency lang po kasi sa bahay namin at kailangan kong umuwi. Wala naman ho si Leon kaya walang magtitingin sa mga bata. Dito muna sila."

Sigawan ang dalawang bata at agad na pumasok sa loob ng bahay ng lola.

"Oo naman. Sige. Ako na ang bahala sa mga apo ko."

Tinapunan ko ng tingin ang dalawa na agad na naupo sa sofa at nagbukas ng TV para manood. Tumingin sa akin si Anna at kumaway ako sa kanya at ngumiti.

"I'll be back, okay? You stay here with grandma." Sabi ko sa kanya.

"Sure, Tita Vie. See you later." Nakangiting sabi nito at pati si Elsa ay kumaway din sa akin.

Kahit mabigat sa loob ko na gawin ito ay wala akong magawa. Importanteng malaman ko din kung ano ang nangyayari kay Leon at ano ang nangyayari doon sa underground fight. Kinuha ko ang telepono ko at muling tiningnan ang location na ipinadala sa akin ni Brandon. Doon ako dumeretso. Ilang beses na rin naman nagkaroon ng underground fights sa lugar na iyon kaya kabisado ko na. Ang pasikot-sikot, ang mga secret passages na dinadaanan ng mga natatalong fighter na nakalagay sa body bags. Isang nakakalungkot na katotohanan na pagkatapos magbunyi ng mga nanonood sa fight ay mayroong isang walang buhay na katawan ang inilalabas doon.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa malayo at naglakad patungo sa warehouse. Tinitingnan ko ang mga CCTV cameras, mga security na nakakalat sa paligid. Madali ko naman silang nataguan at walang hirap akong nakapasok sa loob. Wala naman kasing bantay sa lugar na iyon ng warehouse. Sino ba naman ang magtitiyagang magbantay sa daanan ng mga namamatay na fighters? Malayo pa lang ay naririnig ko na ang ingay ng mga nanood. Nakakabingi. Isinaklob ko ang hoodie sa ulo ko para walang makakilala sa akin. Nakapasok ako sa loob at punong-puno ng tao ang nakapalibot sa cage. Mula sa lugar ko ay nakita ko ang mga mayayamang pumupusta sa fights, si Papa, si Brandon. Si Mr. Laxamana. Pero nakita ko ding tumayo si Mr. Laxamana at nagpaalam kay Papa tapos ay umalis. Sa cage ay nakita kong naroon na si Johnny at tahimik lang na naghihintay. Napakunot ang noo ko. Hindi ganito si Johnny. Magmula pa nang mag-umpisa siyang maging fighter ay alam ko na kung gaano kalaki ang kumpiyansa niya sa sarili. Magulo ito. Maingay. Mayabang. Pero ngayon, kalmadong-kalmado lang. Naghihintay nang makakalaban niya.

CAGED HEART (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora