CHAPTER TWENTY-SIX (Acquaintance)

3.3K 229 16
                                    


There is no true love without a little jealousy.

---------------------

Vie's POV

            Kelsey.

            Iyon ang pangalan na nakita kong tumatawag kay Leon.

            At sigurado akong nakita ko ang pagkataranta sa mukha niya nang makita ang nag-register na pangalan na iyon. Kitang-kita ko ang pagbabago ng mood niya. He was ready to kiss me, and I wanted him to kiss me. But then that call.

            "I have to take this call."

            Iyon lang ang sinabi niya tapos ay kinuha ang telepono at nagmamadaling iniwan ako.

            Sinundan ko lang siya ng tingin. I knew that name. That was his ex. The mother of her kids. Akala ko ba wala na siyang pakialam doon? Sinabi niya sa akin na sumama na ito sa ibang lalaki. Hindi nga lang isa. Marami pa. Tapos ngayon na tumawag ay para siyang natatarantang kuting at kailangang sagutin iyon?

            Ang sama ng tingin ko sa daan na dinaanan ni Leon. Painis kong binuksan ang ref at kumuha ng bote ng tubig. Dere-deretso kong tinungga. Pakiramdam ko ay hinihingal ako sa hindi maipaliwanag na inis na nararamdaman ko. I felt there was a moment earlier. Leon and I having a serious conversation to the truth about him. About his reason why he fought with Johnny. Even if he was telling me he didn't trust me, I knew, I could feel it that he was trusting me. And I liked that. I liked that there was already a connection between us. Trust.

            Mahina akong napamura at inis na ibinato sa basurahan ang plastic bottle ng tubig at dumeretso sa silid ko. Naiinis talaga ako. Ano ang pinag-uusapan nila? Bakit ba tumawag ang babaeng iyon?

            Sirang-sira talaga ang mood ko. Pakiramdam ko nga ay nawala sa sistema ko ang mga bagay na ipinakita sa akin ni Leon kanina. Ang mga batang namatay sa hunting game na sinasabi niya. Ang ipinipilit niyang involvement ni Papa. Dapat ang ginagawa ko ngayon ay tinatawagan ang tatay ko at kinokompronta tungkol dito pero hindi ko mapaandar ng matino ang isip ko. Dahil ang isip ko ay lumilipad kung ano ang pinag-uusapan ni Leon at ng nanay ng mga anak niya.

            No. I needed to think straight. Bakit ba ako naaapektuhan doon? Ang dapat kong ginagawa ngayon ay inaalam kung totoo ba ang sinasabi ni Leon.

            Kinuha ko ang telepono ko. Naisip kong tawagan si Papa. Pero hindi. Hindi puwedeng ang tatay ko at siguradong hindi naman ako sasagutin 'non. Si Brandon ang tinawagan ko. Alam kong kahit paano ay may malalaman ako sa lalaking iyon.

            Matagal bago siya sumagot. Bahagya pa ngang humihingal nang sagutin ang tawag ako.

            "Bad timing?" Tanong ko sa kanya.

            "No. It's good. Good. Nag-wo-workout lang ako. What do I owe the pleasure of you calling me?"

            "I can't call my father. Alam kong busy at hindi sasagutin ang tawag ko. Kaya ikaw ang tinawagan ko. I know how he trust you." Sagot ko sa kanya. Hindi ko sasabihin sa kanya na alam ko na ang tungkol sa relasyon nila ni Leon.

            Natawa si Brandon. "Busy lang naman ang tatay mo sa mangyayaring fight two weeks from now. You know people wanted to see Johnny and Leon inside the cage again."

            "Two weeks, Brandon? Alam mong kulang na kulang pa iyon para sa recovery ng fighters."

            "Kaya ka nga nandiyan para mas mabilis na maka-recover si Leon. Dapat ginagalingan mo ang pag-aalaga." Malisyosong sabi niya. "Your father told me his plans about him. Pumayag na ba si Leon sa offer mo? To change sides?"

CAGED HEART (COMPLETE)Where stories live. Discover now