CHAPTER FORTY-THREE (Ultimate Prize)

6.7K 350 61
                                    

Ask for what you want in life, take risk, don't be afraid of failure. You will never get what you want if you never try. Just do it. - Unknown

Leon's POV

Ayoko na sanang umattend pa dito. Mas gusto kong sa bahay na lang mag-stay kasama ang mga bata. Pagkatapos ng mga nangyari, hindi mawaglit sa isip ko ang katotohanan na walang kasiguraduhan ang lahat. Sa isang iglap, puwedeng mawala ang mga mahal ko sa buhay. Kaya tama ang kasabihang live life to the fullest. Live like there was no tomorrow. Kung may gustong gawin, gawin na agad. Kung may gustong sabihin, sabihin na. Kung may gustong makuha, pagsumikapan na makuha iyon para walang pagsisisi pagdating ng huli.

The only reason that I am in this press conference for Fighter's Ring was because of Vie. Siya ang nagpatawag nito. Matapos ang mga nangyaring kontrobersiya sa promotion ng tatay niya, kailangan niyang bigyang linaw iyon lahat. Sagutin ang lahat ng tanong ng mga tao para maging malinis muli ang promotion nila.

Nakapuwesto lang ako sa bandang likod. Ayaw kong makita ako ng mga tao dito. Hangga't maaari ayaw ko nang ma-involve pa sa cage fight. I am done from this life. I am done with the violence, with the anger that I was feeling. I already let it out inside the cage. Beating Johnny, was the best part. Well, I am not really done with violence. I am still going back to XM agency. I smiled when I remember the look on Chief Coleman's face when I paid him a visit the other day. Nagagalit pa nga. Ano daw ang ginagawa ko doon? Hindi pa daw ako puwedeng bumalik dahil marami pa akong mga test na dapat gawin. But when I gave him the reinstatement form from Ghost, his smile was priceless. Alam ko din namang na-miss din ako ni Chief Coleman sa agency.

I looked at Vie and I smiled when she was holding the microphone and answering all the questions that was being thrown at her. Wala pa rin siyang kupas pagdating sa ganitong bagay. I knew she was a strong woman. Mahal lang talaga niya ang tatay niya at may leverage ito sa kanya noon kaya pumapayag siyang manipulahin nito. But now that everything was over, the real Vie was standing out. Her strong persona was shrouding the whole room. Her confidence was screaming to everyone. Every word that she has been telling to the people in front of her was like a law that they needed to listen and follow.

Beside Vie was my brother Brad. Dalawa silang salitan na sumasagot sa mga tanong na ibinabato ng mga press people. Napapatango-tango lang ako sa galing nilang mag-explain. Sigurado ako na kung silang dalawa ang hahawak ng Fighter's Ring, talagang magiging maayos na ito.

But Vie said that she didn't want to get involved in this anymore. Pero sa nakikita ko, mukhang mas bagay talaga na siya ang humawak nito.

"With your father being sick, are you going to be the new CEO of Fighter's Ring?"

Napatingin ako sa babaeng reporter na nagtanong noon. Alam kong ang ipinalabas na balita tungkol sa nangyari kay Ulysses ay nagkaroon ito ng stroke. Iyon din naman ang dahilan na sinabi ko kay Vie. Hindi ko masabi na kagagawan ni Ghost kaya parang wala sa sarili ang tatay niya ngayon. Pero tama naman si Ghost. Unti-unti ay nagkakaroon ng improvement ang kalagayan ni Ulysses. Nang huli naming bisitahin ni Vie ang tatay niya ay nagre-respond na ito ng kaunti sa mga bagay sa paligid. Hindi na tulala lang.

Nakita kong napangiti lang si Vie at tumingin sa gawi ko. Tumango lang ako sa kanya at pinaghalukipkip ko pa ang mga kamay ko. Kung magbago man ang isip ni Vie at gustuhin niyang hawakan ang Fighter's Ring ay susuportahan ko siya.

"No." Nakangiting sagot niya.

Nanatili akong nakatingin sa gawi niya at nakatingin din siya sa gawi ko.

CAGED HEART (COMPLETE)Where stories live. Discover now