CHAPTER FORTY-ONE (Home)

3.5K 228 42
                                    

As long as greed is stronger than compassion, there will always be suffering. - Rusty Eric
——————————-

Vie's POV

"Mommy Vie!"

Hindi ko mapigil ang pagtulo ng luha ko nang patakbong lumapit sa akin ang mga anak ni Leon. Agad na yumakap sa akin ang mga bata at ganoon din ang ginawa ko. Ang higpit-higpit ng yakap nila sa akin. Feeling their small arms wrapping around me, their warm embrace. Hearing their laughs. I knew they were both safe.

But what they called me made me the happiest.

Mommy Vie.

Tumingin ako kay Leon at nakita ko siyang nakatayo lang sa pinto at hitsurang napapagod pero ngumiti siya sa akin.

"I already called my mother. Told her I got the kids back. No one can take them away from us again." Nakangiti pa rin niyang sabi sa akin. Lumakad na siya papasok sa bahay at pabagsak na naupo sa sofa. Pumikit pa siya at napabuga ng hangin.

Sinabihan ko ang mga bata na tumungo na muna sa kuwarto. Sumunod ako sa kanila at agad na inasikaso ang mga ito. Nilinis at binihisan tapos ay nagbukas ako ng TV at inilagay iyon sa cartoon. Nagtatalo na naman ang dalawa kung ano ang papanoorin. But they ended up choosing to watch Frozen again.

Nang masiguro kong maayos na ang dalawang bata sa kuwarto ay saka ko binalikan si Leon. Naabutan ko siyang may kausap sa telepono. Dumeretso ako sa kusina at ipinaghanda siya ng makakain. Hindi pa naman masyadong nakaka-recover si Leon. Punong-puno pa nga ng pasa ang mukha at katawan niya dahil sa ginawang pambubugbog ni Johnny sa kanya sa cage. Good thing Johnny couldn't do that anymore. Not with Leon. Not with anyone. I heard he was paralyzed from neck down. Because of what I did.

I didn't feel any remorse at all. Years of his taking advantage of me. Harassing me. Kulang pa ang nangyari sa kanya. He could die and I would just look at his grave without feeling any mercy for him.

Nang balikan ko si Leon ay nakatingin na siya sa akin.

"It was the hospital. Brad woke up." Nakita kong bahagyang nangilid ang luha niya. "He is out of danger." Napayuko si Leon at nakita kong itinakip ang mga kamay sa mukha tapos maya-maya ay umaalog ang mga balikat.

Agad ko siyang nilapitan at marahang hinaplos ang likod.

"This is too much." Napapiyok pa siya nang sabihin iyon. "I thought I am going to lose him then my kids." Nang mag-angat siya ng mukha ay talagang may luha na sa pisngi niya. "Hindi ko kakayanin kung sila ang babawiin sa akin sa lahat ng mga nagawa ko. Sa lahat ng mga napatay ko. I'd rather exchange my life for them."

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya at hinawakan ang mukha niya.

"Everything is fine. They are all safe. No more underground fights. No more hunting games. No more killings." Pero kahit paano ay nakaramdam ako ng lungkot na dahil sa pangyayaring ito ay pati ang legal fights ng Fighter's Ring ay naapektuhan. It was under investigation at wala akong magawa. Hindi ko alam kung nasaan si Papa. Lahat na ng ospital hinanap ko na siya pero wala. hindi ko alam kung buhay o patay. Johnny stabbed him and don't even know what happened to him. Napabuga ako ng hangin na napapailing.

Niyakap ako ni Leon. "I am thankful that you are here. That I met you. You gave light to my life. I feel complete now." Mahinang sabi niya sa akin.

Napangiti ako at mahigpit din na yumakap sa kanya. For all it's worth, Leon was the best thing that happened to me. After years of living in manipulation with men around me, I knew he would never do that to me. Finally, I found someone who would not use me. Someone who would never made me feel worthless.

CAGED HEART (COMPLETE)Where stories live. Discover now