Attraction 36 - Forgiven Already.....or not..

7.8K 309 29
                                    

Mike's Pov

"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Isabel! Ikaw!"

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Bea tungkol kay Shanna. Paano naging siya? Si Shanna ba talaga ang may kasalanan? Hindi! Bakit ko ba iniisip ito? Aksidente ang nangyari kungmay dapat mang sisihin ako yun, dahil ako ang dahilan kung bakit pa siya bumyahe ng ganung oras, bakit pa kasi kami ng-away?

"Kainis! Hindi ako mapakali" tumayo ako at kinuha ang jacket at susi ng kotse ko, I need to cool myself up. Nagmamadali akong bumaba at nasalubong ko si Ethan na paakyat.

"Oh?! Saan lakad mo tol?" sabay harang sa akin ni Ethan

"Wala lang may pupuntahan lang ako" paiwas kong sabi, pero hindi ito natinag

"Wag mo akong pinagloloko Mike, saan ka ba talaga pupunta?"

"Pwede wag ka ng maraming tanong Ethan" akmang lalagpasan ko na siya pero hinarangan niya ako ulit

"Mike seryoso ako, saan ka pupunta?" seryoso niyang sabi

"Wala ka na doon kaya tabi" malamig kong sabi

"May pakialam ako dahil kaibigan kita baka mamaya niyan mabibigti ka pala at wala man lang akong nagawa, eh di kargo de konsensya ko pa yun"

"Wala akong oras makpaglokohan sa'yo Ethan, lalabas lang ako magpapalamig"

"Magpapalamig? Saan?"

"Argh! Tabi nga!" sabay tabig kay Ethan pero bago ako makaalis ay may itinanong siya sa akin.

"Hinid mo naman sinisisi si Shanna hindi ba?" napahinto ako sa paglakad, "Mike aksidente lang ang lahat, walang may kasalanan nun"

"Alam ko.....alam ko..." at umalis na ako

Sumakay ako ng kotse at ngdrive, wala talaga akong particular na lugar napupuntahan basta kung saan lang ako dadalhin ng pgmamaneho ko. Iniisip ko lahat ng pangyayari noon, at alam ko walang kinalaman o hindi kasalanan ni Shanna ang lahat aksidente lang yun walang sino man ang may gusting mangyari yun. Inihinto ko sa tabi ng kalsada ang kotse ko at napayuko na lang.

"Walang gustong mangyari yun....." bulong ko

*********************************

Shanna's Pov

Andito kami sa loob ng bahay ng pamliya ni Isabel, nakaupo ako sa pang-isahang sofa habang sina Marco at Quenie naman sa malaking sofa. Hinihintay namin bumalik ang mama ni Isabel, pumunta kasi sa kusina. Tinignan ko ang paligid at sa totoo lang hindi talaga ako mapakali eh.

"A - Ano Marco saan dito ang banyo?" tanong ko

"Mero sa itaas" sagot niya

"Ganun ba, salamat CR muna ako ah" paalam ko

"Samahan na kita" sabi naman ni Quenie

"Naku wag na kaya ko na ito" sabi ko sabay alis. Umakyat ako at hinanap ang banyo, "Saan ba dito?"

Ng may nakita akong silid na nakaawang ng konti ang pinto, lumapit ako para sana isarado siya ng maayos pero ewan ko parang may nagtulak sa akin na buksan at pumasok sa loob at yun nga ang ginawa ko.

"Excuse me po" sabi ko sabay tingin sa paligid, nagandahan ako sa paligid. Lumapit ako sa may mesa sa gilid ng kama, pinadaan ko ang kamay ko doon at may nasagi akong bagay. Kinuha ko yun at nagulat ako sa nakita ko, isa yung picture frame, sa loob nun ay isang napakamaamong babaeng, napakaganda ng ngiti niya at nakaakbay siya sa isang lalaki, makikita mo sa lalaki kung gaanu siya kasaya.

"Ganito ka pala kapag ngumingiti...." sabi ko, "Mike..."

"Andito ka pala" nagulat ako sa nagsalita kaya agad akong napalingon sa may pintuan

Too Opposite!Where stories live. Discover now