Attraction 26 - Back to the start.....or not

10.8K 345 29
                                    

Shanna's Pov

Napakalapad ng ngiti ko ng makita ko ang nangyari sa pagitan nina Joan at Kevin. That was indeed a very sweet scene, and kilig to the bones naman ako doon.

Nagmumuni-muni ako ngayon sa favorite place ko, at bigla kong naalala si Mike, kaya napabuntonghininga ako. Simula kasi nung umamin ako sa nararamdaman ko sa kanya hindi na niya ako kinakausap at lantaran pa ang pag-iwas niya sa akin.

"Eh ano bang magagawa ko? Tumibok ito eh" sabay hawak sa may dibdib ko, and sighed. "Urgh! Kainis!" nakakafrustrate talaga siya promise.

Mayamaya ay ng.bell na, may next subject pa pala ako, kaya nagmamadali akong tumayo at naglakad papunta sa room.

Ng malapit na ako ay nakasalubong ko si Mike at ng magtama ang mata namin ay agad siyang umiwas tapos linagpasan lang ako. Nagulat ako sa ginawa niya pero wala naman akong magawa kaya yumuko na lang ako at nagmamadali na ring umalis. Hay....mukhang hindi na talaga kami magkakabati.

Pagkatapos ng klase ko ay nagmamadali akong pumunta sa parking area, sabay kasi ang end ng mga klase namin, at nakisabay lang ako kay Joan patungo dito. Ng marating ko ang parking area, ay nakita ko ang anim doon na naglalambingan.

"Ehem!" malakas kong tikhim, kaya napalingon sila sa akin at ngumiti ako ng nanunukso.

"Excuse me lang po, ang dami ng langgam eh, baka malunod ako" asar ko

"Shanna!" masayang bati ni Joan sa akin

"Hahaha! Congratz sa inyo ah" sabi ko

"Hanap ka na rin ng sa'yo Shan" sabi ni Ethan

"Hahahaha! may mabibigay ka ba?"

"Oo naman! Yung gwapo naming kaibigan"

"Huh? Sino?"

"Si Mike!" sabi ni Kevin

Biglang natahimik lahat, and an akward silence enveloped.

"Ha-ha! Kaw talaga Kevin, yun? Imposible ata yun, alam mo naman na hindi kami magkasundo-sundo nun"

"Di kaya, ang swe-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang siniko siya ni Joan

"Ehem! So uwi na tayo" sabi ni Joan

"Ma sabay kana sa akin" lambing ni Kevin

"Che! Tumahimik ka diyan, magkasama kami ni Shanna papunta dito kaya sabay na rin kaming uuwi"

"Ma naman" pagmamaktul ni Kevin

"Kevin..."

"Pare wag ka ngang engot diyan, magkapareho naman tayo ng uuwian eh" sabi ni Ethan

"How about ako na lang ang magdadrive ng kotse mo Jo, tapos sabay ka na lang kay Kevin" suhestyon ko

"Oo nga Ma, please" at pacute pa ng sira

"Pero..." nagaalin-langan na sabi ni Joan

"Sige na Joan, baka umiyak pa yan"

Napabuntong hininga na lang si Joan "Fine" tapps binigay sa akin ang susi, "Mag-ingat ka, kita na lang tayo sa bahay"

"Yeahey!"

"Kulit talaga"

"Awh nakakainggit, tayo din babe" lambing ni Ethan kay Cristina

"Tumahimik ka dyan Ethan, wala akong balak iwanan ang kotse ko" mataray na sabi ni Cristina

"Hahaha! Oo nga naman Ethan" sabi ni Quenie

"Let's go Quen" sabi ni Marco, sabay naman kasi silang pumunta ng school eh

Sumakay na sila sa kani-kanilang kotse, habang ako ay nakatingin lang sa kanila, hay kainggit naman. Papasok na sana ako sa kotse ko ng nakita ko si Mike palapit, at panay ay lingon-lingon mukhang may hinahanap.

Too Opposite!Where stories live. Discover now