Attraction 20- the ball game

9.1K 376 13
                                    

Kevin's Pov

Andito kami sa boy's locker room at naghihintay lang kung kalian magsisismula. 3rd day na ng intramurals namin.

"Excited na talaga ako" nakangiti kong sabi

"Sa laro o sa pagpapasikat kay Joan" kalmadong sabi ni Mike

"Both hahahaha!"

"Ewan ko talaga sa'yo Kevin, umamin ka nga sa akin, do you like her?"

"Si Joan? Hmmm...I like her style in clothes"

"Bakla ka?!"

"Ulol! Hindi yun! ang ibig kong sabihin ay ang cute niyang manamit, I like her smell, nakakatuwa siyang asarin, at masarap siyang kasama"

"Yup! You don't like her" he said at tumayo.

"Because you Love her"

"Love agad-agad? Di pude like muna?"

"Tss! Para ka talagang bakla, ang daldal mo daig mo pang babae kung dumaldal"

"Ulol!" tapos binato ko siya ng sapatos pero nasalo lang niya

"Baho nito!" tapos binato sa akin ulit at sinalo ko tapos sininghot

"Hindi naman ah! Arte mo tsong!" tapos sinuot ang sapatos

Biglang bumukas ang pinto ng locker room at iniluwal doon sina Marco at Ethan kasama ang mga babae.

"Goodluck mga pare" sabi ni Ethan

"Salamat" sabi ni Mike

"Wag sanang mauwi sa suntukan" sabi ni Marco

"Hanep mo na talagang magtagalog Marco" natatawa kong sabi

"Goodluck sa inyo" sabi ni Shanna

"Psh!pagnatalo kayo sa game niyo, maglilinis kayo ng swimming pool sa bahay" sabi ni Joan

"Hindi kami matatalo Ma, basta cheer mo kami ah!" tapos kinindatan ko siya

"Hmph!" at umirap lang siya sa akin

"Aja! Kaya niyo yan" sabi ni Quenie at nag. Aja sign pa katulad doon sa lovers in paris "Aray.." daing niya

"Wag kasing malikot, namamaga pa yang kamay mo eh" inis na saway ni Marco sa kanya

"OO na sorry" nakabusangot na sabi ni Quenie

Biglang pumasok ang coach namin

"Oh! Hali na kayo, kayo nalang ang hinihintay" sabi ni Coach

"Teka lang! picture muna kayo para sa school paper" sabi ni Cristina

"Oo ba!" at nagpose na kami

"Gandahan mo ang article tungkol sa amin Cristina ah"

"Oo naman"

"Oo nga ilalagay niya doon kung paano kayo nailampaso ng kabilang team" nakasmirk na sabi ni Joan

"Hahahaha! Hindi yan mangyayari Ma dahil sila ang ilalampaso namin" at lumabas na kami sa locker room at pumunta sa court

Ng andoon na kami sa court ay panay na pala warm up ang lahat.

Napatingin kami sa kabilang court, Engineering ang kalaban namin, alam kong bago pa kami dito pero kilalang-kilala na namin ang team captain nila and we are not fond of him.

"Well...well...well what do we have here" ng smirk pa sa amin ang mokong

"Villarasa"

"So we meet again, Robles at Sarmiento"

Too Opposite!Where stories live. Discover now