Attraction 12- General Cleaning!

9.9K 410 19
                                    

Kevin's Pov

*KNOCK KNOCK!*

Asih! sino ba ito? kaasar naman! ang aga-aga nambubulabog na! Bumangon ako at binuksan ang pintuan.

"ANO BA!" sigaw ko

I heard a gasp! napatingin ako kay Joan at tumalikod siya kaagad. Shit!

"A-Ano.....sa-sabado n-ngayon...at...at mag-li-linis tayo" sabi niya habang nakatalikod pa rin siya.

Pumunta ako sa likod ng pinto pero naka labas pa rin ulo ko, naka boxer shorts lang kasi ako at walang pang-itaas.

"Ah...sige...ahm...baba na rin ako mayamaya" sagot ko

"S-sige" yun lang ang sinabi niya at nagmamadaling umalis.

Hahay....oo nga pala every saturday pala ang general cleaning namin. Nagbihis na ako at bumaba na, andun na silang lahat sa kusina.

"Magandang umaga" bati ko sa kanila.

"Mornin' bro" masiglang bati ni Ethan.

Ngumiti lang si Shanna sa akin, at magkatabi si Quenie at Marco.

"Umupo kana" sabi ni Cristina.

Tumingin ako sa paligid at ang natitirang bakante ay ang upuan sa tabi ni Joan, kaya doon na ako umupo. Ng umupo na ako, ay napansin kong hindi mapakali si Joan.

"May problema ka?" tanong ko sa kanya.

"Ah!..wa-wala" umiwas siya ng tingin.

Biglang naalala ko ang nangyari kanina, hmmm....maasar nga ito.

"Hmmm....wag mong sabihin na naaalala mo ang nangyari kanina?" pabulong kong sabi sa kanya.

"Hi-HINDI NOH!" sigaw niya.

"Joan bakit ka sumisigaw?" tanong ni Shanna

"Ah..eh...wa-wala" sabi niya pero unti-unti na siyang namumula.

"May sakit ka Joan? namumula ka eh" tanong naman ni Quenie.

Hahahaha! ang pula-pula na kasi ni Joan kahit morena siya nahahalata pa rin pag namumula siya, galing noh?

"Nakakalagnat pala ang katawan ko" asar ko pa rin sa kanya.

"Tumahimik ka nga Kevin" mariin niyang sabi.

Napatawa ba lang ako, at mayamaya ay kumain ba kami ang cute talaga asarin ni Joan.

Joan's Pov

Gosh! hindi ko yun kinaya, as in! Like hindi ko naman sinasadya makita ang maganda niyang katawan na may abs. Shoot! did I just said that?! yuck!!!

Habang kumakain kami ay pasimple niya akong inaasar, at ako naman halos hindi mapakalai. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na kaming mga babae ng hapagkainan. Mayamaya ay pumunta na kami sa sala para umpisahan ang paglinis.

"Oh makinig lahat, hiwahiwalay tayo ng paglinis, si Quenie, ako, si marco at ethan dito sa loob. Kayo naman Joan, Kevin, Shanna at Mike sa labas, kuha?" sabi ni Cristina

"Okay" sangayon namin kahit na ayaw ko, aish! bakit magkasama pa kami ng ungas na ito.

Shanna's Pov

Hay....alam kong may nagbago, pero ayaw kong aminin. Baka kasi natuwa lang ako o kaya nagandahan sa boses niya di ba? di ba? Napabuntong hininga nalang ako.

"Hoy! Shanna!" sigaw ni Mike

"Ay butiki!" napaayos ako ng tayo.

"Ano kaba? saang lupalop ng mundo na naman ba pumupunta yang utak mo?" nakakunot-noo niyang sabi.

Too Opposite!Where stories live. Discover now