Attraction 13-Mall Catastrophe

9.9K 385 32
                                    

Shanna's Pov

Andito kami ngayon sa supermarket sa isang mall para bumili ng mga kailangan sa bahay. Ang mga lalaki ang nakatoka na bumili nito pero dahil wala kaming magawa eh sumama na kami hahaha!

Habang namimili kami ay tinitignan ko ang mga kasama ko.

"Bilhin natin ito" kinuha ni Kevin ang isang ampalaya.

"Wow! Bakit? kumakain ka niyan?" tanong ni Joan.

"Hindi, kaya nga bibilhin di bah?" bara naman ni Kevin.

"Che! hala sige bumili ka tas kainin mo ng hilaw!" yun kang at nag-walkout si Joan pero sinindan lang siya ni Kevin

"Hmmm....gusto kong mamasyal pagkatapos dito" sabi ni Quenie

"Dapat mag-aral pa tayo dahil hindi pa gaanu kalaki ang score mo" kontra ni Marco

"Psh! pahinga naman tayo Marco" at nagpout pa ang loka.

"Wag kang mag-pout" saway ni Marco.

"Whatever!" at inirapan lang siya ni Quenie.

"Hmmm....ano pa ba ang kailangan ha?" sabi ni Cristina na tumitingin sa mga bilihin.

"Babe magluto ka ng sinigang mamayang gabie, please" singit ni Ethan, mukhang natutuwa na siya sa kakatawag ng babe kay Cristina ah.

"Tss! would you shut up Ethan and stop calling me babe" sungit ni Cristina.

"Ehhhhh gusto kitang tawaging babe eh" at ng.cross arms tas ngpout, awwwhhh...ang cute hahaha!

"Stop that para kang bakla" sabi ni Cristina.

"Hindi kaya! sa gwapo kong ito babe bakla? gosh haaa!! nakakaimbyerna much gurl" pagbabakla-baklaan ni Ethan with matching ipit ng imaginary hair niya hahahaha!

"Yuck! Ethan umayos ka! hambalusin kita ng cart eh"

"Hahaha! okay babe" with salute pa, hahaha! kung magkakatuluyan sila ay magiging under itong si Ethan hahaha!

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? para kang baliw" sabi ni Mike

"Bakit? masama bang maging masaya?" kainis ang lalaking ito ah, pasalamat siya at...at...at...aish! basta!

"Bakit ka naman masaya?" tanong niya.

"Ehhh....ang cute kasi tignan nung anim eh, ang sweet nila" syet kakilig ha!

"Psh! anong sweet diyan? eh parati kaya silang nag-aaway lalo na yung sina Joan at Kevin"

"Hay naku! have you heard of the saying, the more you hate, the more you love"

"Psh! ang stupid talaga ng saying na yan"

"Hay naku! wala ka talagang ka sweetan sa katawan"

"Paki alam ko, tsaka we still have the rule, remember?"

Oo nga pala ang ultimate rule DAW! kainis ang rule na yun noh. Paano nalang if talagang magkagusto kaming lahat sa isa't-isa? ambisyosa lang? hahahaha!

"Oh ngayon nakasimangot kana? bipolar ka talaga" at umiling-iling pa ang mokong

"Hoy sinong bipolar!" sigaw ko tas hinampas siya, hahaha! FC lang? feeling close? hahaha!

"Aish! wag ka ngang manghampas, bigat ng kamay mo ah"

"Tss! kasalanan mo naman eh, hmph!" sabay irap at naglakad ako paalis, bahala siya dyan.

Lumipas ang ilang oras at natapos din kami, at dahil tanghali na dito na rin kami sa mall kumain.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Quenie.

Too Opposite!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon