Attraction 8- let's tutor each other

10K 416 11
                                    

Quenie's Pov

"Argh! kainis!" padabog kong inilapag ang gamit ko sa mesa.

"Hoy Quenie! ano kaba, muntikan ng tumilapon ang pagkain ko ah" gulat na sabi ni Joan.

"Ba't ka badtrip? anong nangyari?" tanong ni Cristina, na nakatingin lang sa tab niya  mukhang may pinapanood na naman.

"Eh kasi naman, ba't ba ang bobo bobo ko sa math" inis kong sabi.

"Hay naku, wag kang mag-alala hindi ka nag-iisa" sabi ni Shanna.

"Grabe! salamat nakakapanatag yung sinabi mo ah" sarkastiko kong sabi.

"Then why don't you study?" tanong ni Joan na ngayon ay kumakain na.

"Wow! hiya naman ako sa'yo Joan, kung makapagsuggest naman" inis ko sa kanya.

"Well at least ako hindi ganun ka pasang-awa" then she smirked

Inirapan ko na lang siya, at tumingin ako kay Cristina.

"Cristina..turuan mo ako, please.." paawa effect pa ako.

Tumingin siya sa akin.

"Alam mo Quenie tinuruan na kita noon, pero walang nangyari. Malapit na nga akong mabaliw sa pagturo sa'yo eh. Kaya pass na ako" sabi niya tas binalik na naman ang sarili sa panunood.

Natawa naman nun sina Shanna at Joan.

"Ehhh...kasalanan ko ba na kapag nakakita ako ng mga numero sumasakit ulo ko." sabay pout.

"Yuck! wag ka ngang mag-pout hindi bagay sa'yo" reklamo ni Joan "Mag self study kana lang"

"Hindi ko nga kaya kasi hindi ako makakapag focus kung ako lang" inis kong sabi.

"Sa sports ka lang naman nakakapag focus eh, ewan ko nga paano mo yun nagagawa. Buti nalang natatamaan mo ang mga bola hahahah" kantyaw na naman ni Shanna.

"Aish! ewan ko sa inyo"

Mayamaya ay nagbell na kaya naghiwahiwalay na kami. Pumunta ako sa classroom ko, pero ang sabi walang guro, kaya naisipan kong pumunta nalang sa library para *ehem* magstudy.

Pagpasok ko medyo marami-rami rin ang tao, naghanap ako ng mauupuan at viola! may nahanap ako, nasa isang sulok siya ng library sa pinakadulo, pangdalawahan nga siya eh tas malapit pa sa bintana. Agad-agad akong umupo doon at binuklat ang libro ko.

Lumipas ang ilang taon, chos! OA lang? hahaha! well for the record natiis kong tignan ang libro ko sa math ng mahigit 20 mins. Gosh! improvement pero naman wala pa rin akong maintindihan.

"Argh! kainis!" mahina kong sabi sabay sabunot sa buhok ko, "Ba't ba ang hirap-hirap ng math?"

Napagod na ako sa kakaisip, kaya ayun napag-isipan ko na matulog na muna. hahaha! gulo ko pagod na raw mag-isip pero nakapag-isip pang matulog hahaha! bongga!

**************************

Bigla akong nakaramdam ng pangangawit sa leeg ko kaya nagising ako. Umayos ako ng upo at kinusot-kusot pa ang mata ko.

"Good that your awake" sabi ng isang pamilyar na lalaki na nasa harap ko

Medyo nagulat ako nun, kaya tinignan ko kung sino ang nag-sasalita. Napanganga naman ako, syet ang gwapo niya na nakasuot ng puting uniform, gosh! nasa langit na ba ako?

"I know I'm handsome, so you can close your mouth now" he said and smirked.

"Ah..ahm...h-hindi noh" waaa! kahiya yun ah.

"Whatever" he said and continued reading.

"Ano....anong ginagawa mo dito?"

Huminto siya sa pagbasa at tumingin sa akin.Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla akong kinabahan, bakit kaya?

Too Opposite!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora