Attraction 48 -Sana.....

6.9K 265 15
                                    

Shanna's Pov

Unti-unti ko na namang iminumulat ang mata ko, medyo mahapdi nga lang ang dahil sa sampal at suntok na nakuha ko kahapon kay Bea, kainis siya!

Flashback

"Hi there Shanna, kamusta?" nakangiti niyang sabi, "Okay ka lang ba?" sabay lapit sa akin

Naman! Ano bang nagyari? bakit ako andito? asaan ba ako?

"Tsk, tsk, tsk" sabay iling pa nito, mukhang naguguluhan ka sa nangyayari ano?" at tinignan niya ako at walang sabing sinampal ng pagkalakas-lakas, napasinghap tuloy ako sa sakit, naman! Walang sabing hinila naman niya ang buhok ko at pinatingala sa kanya.

"Well you just here in hell darling" at marahas na binitawan ang buhok ko, kainis sakit sa anit yung pagkahawak niya sa buhok ko. "Pero wag kang mag-aalala uunti-untiin ko lang naman ang paghihirap mo para naman ma.enjoy mo" at walang sabing sinipa ako sa tyan, napaubo tuloy ako at napahiga, unfair niya ah! kung hindi lang ako nakagapos dito malamang sabog na mukha ng babaeng ito.

"Masakit ba? Kawawa ka naman" lungkot-lungkutan nito, hinila na naman niya ang buhok ko at pinaupo ako, "Alam mo hindi naman ito mangyayari eh king hindi ka na lang bumalik" nilapit niya ang muka niya sa akin, "So ngayon magdusa ka!" at sinuntok ako sa mukha, tangna! ang sakit, hindi pa siya nakontento at paulit-ulit akong sinaktan hanggang mawalan ako ng malay

Present

Naman! sakit ng katawan ko talaga, gusto ko ng umiiyak sa sobrang sakit. Biglang bumukas ang pinto at iniluwal doon ang isang medyo may edad na na lalaki. Sino naman ito? Naku! sana naman hindi niya ako gawan ng masama. May dala siyang maliit na planggana at bimpo, may alcholo din siya at bulak.

"Magandang umaga" bati niya sa akin, at pinagtaasan ko lang siya ng kilay, hello? anong maganda sa umaga ko kung ganito kasakit ang katawan ko, "Naku! pasensya na, ano ba namang maganda sa umaga mo kung medyo may pasa ka at sugat"

Tss! buti naman napansin niya, nilapitan niya ako at tinulungang umupo, mukha naman siyang mabait.

"Wag kang mag-aalala hindi kita sasaktan, gagamutin na lang natin yang sugat mo"

"Hmmnnn.." sinubukan kong magsalita

"Naku kung tatanggalin natin yan baka magalit si Bea sa akin" habang inaayos ang gamit niya

Paano kaya niya nakilala si Bea? Bigla niyang inilapat ang bulak na may alcholo sa pasa ko at dahil nagulat ako napaigtad ako at suminghap.

"Naku sorry" agad naman niyang hinipan yun, at medyo nawala-wala na rin. Tinignan ko siyang mabuti, napaisip ako sa bait ng taong ito bakit niya tinutulungan si Bea, "Ay mukhang kailangan ko pa rin tanggalin yang tape sa bibig mo, paano ka kakain kung may tampal ang bibig mo" hay buti naman naisip niya, at ang hudas ay walang sabing tinanggal ang tape sa bibig at napasigaw ako sa sakit!

"Sorry!"

"Tangna! tinutulungan mo ba ako o pinapatay!" angal ko, naman! ang sakit! naiiyak tuloy ako

"Sorry talaga, ahm...tapusin muna natin ang paggamot sa'yo tapos kain ka na" sabi nito, at pagkatapos niya akong gamutin ay hindi ko na talaga napingilan magtanong.

"Bakit mo siya tinutulungan?"

"Huh?"

"Si Bea, bakit mo siya tinutulungan? kaanu-ano mo ba siya?"

Huminto siya sa pagligpit.

"D-Dahil...nakakatakot siya"

"Huh? nakakatakot?"

Too Opposite!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon