Attraction 22 - Can I break the rules?

9.5K 373 42
                                    

Shanna's Pov

Waaaa! Sa wakas tapos na rin ang nakakapagod na week na yun, hay....nakahiga ako sa sofa ng sala namin. Saturaday kasi ngayon kaya freedom kami. And as for the champions well, who else eh di...

"Hoy Kevin! Asaan ka ba? Nasaan na ang juice ko?" sigaw ni Joan habang bumababa

"Andyan na Ma" sabi ni Kevin na nasa kusina

"Ang kupad kupad ah!" tapos pumunta na sa kusina

Well as you can see, panalo kami hahahaha! Kaya eto personal maid ni Joan si Kevin ngayon, yun kasi wish niya eh. Ang cute kasi nilang tignan, biglang lumubog ang sofa sa may paanan ko kaya napa upo ako ng maayos at nakita ko si Mike doon.

"Oh! May kailangan ka?" tinitignan kasi niya ako eh, at nakakailang siya pramis!

"Wala ka bang hihilingin?"

"Huh? Hihilingin? Bakit? Kailangan ka pa naging fairy godmother?" ang laswa naman pagganun ang nangyari.

"Psh! Hindi yun ang ibig kong sabihin" bagot niyang sabi "Di ba panalo department niyo, at ang deal natin ay kung sino ang mananalo ay tutuparin ang kahilingan ng nanalo"

"Ahhhhhh! Akala ko kasi hindi ka payag doon"

"Tss! Ayoko kong sabihang KJ noh"

"Okay, pero kasi...."

"Kasi ano?"

Yumuko ako at pingalalaruan ang hintuturo ko at tumingin sa itass "Wala akong maisip eh" nakasimangot kong sabi

"Tss! Ewan ko sa'yo" akmang tatayo na sana siya ng hinila ko siya paupo ulit

"Teka lang! atat ka naman eh" hinahawakan ko pa rin ang braso niya "Chill okay, nag-iisip pa ako eh"

"Braso ko, paki bitawan"

"Ay naku sorry, sarap...este! Ah! Ahm...how about libot muna tayo sa subdivision baka makaisip ako" nakangiti kong sabi

"Okay.." tumayo na ulit siya pero hindi ko na pinigilan, at ng naglalakad siya palayo ay tinitignan ko lang siya, kahit nakatalikod ganda pa rin ng mokong na ito. Huminto siya sa paglakad at lumingon sa akin kaya agad akong ngumiti ng matamis.

"Ngingiti ka lang ba diyan o aalis na tayo"

"Aie! Oo nga pala, sowi po" tumayo na ako at sumunod na sa kanya, pero bago kami umalis ay sumigaw muna ako "HOY MGA SIRA-ULO ALIS MUNA KAMI NI MIKE!"

"Aish! Bibig mo!" inis niyang sabi

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Ethan na bumababa kasabay si Cristina

"Diyan lang sa tabi-tabi" sagot ko

"Saang tabi-tabi?" tanong ni Cristina

"Diyan sa kanto" sagot ko

"Kanto? Maraming kanto ah" sabi naman ni Quenie na galing sa hardin kasama naman nito si Marco na may dalang math book

"Tss! Wag kang makichismis diyan at mag-aaral ka pa" sita ni Marco

"Hmph! Break muna tayo Marco, pagod na ako" nagpaout at nagcross arms pa si Quenie

Napatingin kaming lahat sa kanila

"Kailan pa naging kayo ni Quenie pare?" sabi ni Kevin na nasa may kusina

"Ulol!" sabay bato ng Math book pero nakailag lang si Kevin

"Waaaa! Marco naman, yung Math book ko bakit mo hinagis!" inis na sabi ni Quenie

"Hoy Kevin wag ka nga gumawa ng chismis, kalalaki mong tao chumichismis ka" saway ni Joan

Too Opposite!Where stories live. Discover now