Attraction 24 - I love you...In Tagalog Mahal kita

11.3K 422 54
                                    

Quenie's Pov

Nasa hardin ako ngayon, tumitingin sa paligid, ang ganda talaga! Namumukadkad na rin ang mga bulaklak, ang sarap ng simoy ng hangin at -

"Quenie!" hinamaps niya ang mesa kaya napaigtad ako.

"Marco naman eh" kainis ito ah, "Papatayin mo ba ako sa gulat? Ano ito? Patayin sa sindak si Quenie?"

"Tss! At ako pa ang may kasalanan? Eh kung saan-saan kasi ang lipad ng isip mo eh"

Wow! Nakakaproud naman itong si Marco ilang buwan pa lang nung tinuruan ko siyang magtagalog pero hanip! Ang galing na niya, pero hindi ako pwedeng magsaya kasi pagganyan yan na dredretso ang tagalog isa lang ang ibig sabihin nun, yun ay -

"Quenie! Ano ba! Focus naman" galit niyang sabi

Ayun nga! Galit na ang dragon

"Eh Marco....pwede time out na? o di kaya logout na? gabi na rin kasi eh, pagod na ako, buong araw na tayo nag-aaral eh"

"Tss! Fine, let's just continue this tomorrow" he said

Ay good mood na nag-english na eh hehehe

"Yeahey!" sabay tayo at stretching

"Hey! Pasok na kayo, humahamog na" sabi ni Cristina

"Okay" sagot ko "Hali kana"

Tumayo lang siya at pumasok na kami, at nadatnan naming silang anim na medyo may kanya-kanyang mundo.

"Aish! Kevin wag kang makulit!" galit na sita ni Joan

"Ma naman eh, sige na....please" at nagpuppy eyes pa

"Yuck! Wag mo yang gawin para kang bakla!"

"Hindi kaya!" at nag-pout

Habang sina Cristina naman at Ethan ayun, masayang nanonood ng kung ano sa laptop ni Cristina, nakaakbay pa si Ethan kay Cristina at share sila ng earphones, hmmmm...may kakaiba na sa dalawang ito ah. Well kung ganun ka close ang apat, ganun naman ka cold ang dalawa, kanina pa kasi hindi nagkikibuan sina Shanna at Mike simula nung lumabas sila eh.

"Uie Marco" kalabit ko sa kanya "May problema ba sina Mike at Shanna?" bulong ko sa kanya

Nagkibitbalikat lang siya "Ewan, they were fine this morning"

Biglang tumayo si Shanna at kinarga si Mj, ang aso niya o ni Mike, aish ewan

"Akyat na ako, inaantok na kasi ako" matamlay niyang sabi, kakaiba yun ah

"Okay, goodnight" sabi ni Joan, at ayun umakyat na si Shanna kasama ang aso

Mayamaya naman ay tumayo si Mike

"Alis muna ako" sabi niya, at napatingin ang mga lalaki sa kanya

"May laro ka ngayon?" tanong ni Kevin

"Kailangan mo ng tulong?" sabad din ni Ethan

"Hindi na, ako na lang muna" sabi niya sabay alis, ng marinig namin ang sasakyan niya na umandar palayo, umupo na kami ni Marco.

"Yung totoo ah, ano bang problema ng dalawa?" tanong ko

"Ewan, basta ng tinanong ko si Shanna sabi niya wala raw" sabi ni Joan

"Si Mike, nakausap ninyo?" tanong ni Cristina sa mga lalaki

Sabay silang umiling.

"Hindi eh, masyado kasing malihim tong si Mike, kahit matagal na kaming magkaibigan" sabi Kevin

"At anong laro ang pinagsasabi ninyo kanina? Basketball ba yun" tanong ko

"Nope, it's Mike hobby" sagot ni Marco na busy pa rin sa pagbabasa ng libro ng ewan ko kung ano

Too Opposite!Kde žijí příběhy. Začni objevovat