Attraction 16- Intramurals moments!

9.1K 398 34
                                    

Cristina's Pov

Nagsimula na ang intramurals namin at grabe ang saya ng mga tao. Maraming booths ang naka tayo from different departments, abala ako sa pagkukuha ng mga litrato when I noticed one of our booths

"Pick-up line challenge" basa ko sa pangalan sa booth. "Sinong may ideya nito?"

Narinig ko ang matalas na tilian ng mga babae sa loob, kaya pumasok ako.

"Alam mo ang pag-ibig ko sa'yo parang paghinga" sabi ng lalaki

"Bakit?" tanong ng babae

"Bakit ko pipigilan kung hindi ko kaya" madamdamin namang pahayag ng lalaki.

"Ayeeeee!" tilian ng mga babae

"Claire, gusto talaga kita sana pagbigya mo ako" hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae, at siguro dahil sa sobrang kilig napatango nalang ang babae at yumakap. At nagsigawan na naman ang mga tao sa loob, napailing-iling na lang ako.

"Awwhhh! ang sweet naman ng pangyayaring yun hahaha! so sinong susunod?" tanong ng lalaking nakatoka sa booth.

"Ako!" at napatingin ako sa nagtaas ng kamay at agad napasimangot, well si Kate lang naman po ang nag-volunteer.

"Okay! sino ang gusto mong kapick-upan?"

Ngumiti ang malandi at tumingin kay Ethan na busy rin sa pakikipaglandian, kainis talaga ang manyak na ito.

"Si Ethan" malanding sabi niya

"Psh! kakasuka" pabulong kong sabi, nandoon pa rin ako at nanonood na sa may pintuan lang ako at dahil maraming costumer na halos babae hindi ako masyadong nakikita

"Sure!" at tumayo siya at lumapit sa mini stage nila.

"Okay 5mins lang hap, ready start"

"Ethan alam mo ang pagmamahal ko sa'yo ay parang REVICON"

"Bakit?" nakangiti niyang sabi

"May lakas na hindi umaayaw" tas kumindat pa

"Hahaha! kodigo ka ba?" tanong niya

"Huh? bakit?" maarteng sabi niya

"Ikaw kasi ang sagot sa lahat ng tanong ko"

At kinilig ang lola, yucks! aalis na sana ako ng biglang narinig ko ulit ang boses ni Ethan

"Pero sayang hindi ikaw si Cristina" napahinto ako

"Bakit nasali siya?"

"Siya kasi ang nagbibigay ng saya sa buhay ko" nagulat ako sa sagot niya kaya napalingon ako at napansin kong lahat ng tao ay nakatingin na sa akin. Okay akward ah, bumaba siya sa mini stage at naglakad patungo sa akin.

"Cristina, hastag ka ba?"

"Bakit? marami na bang linya ang mukha ko?

"Trending ka kasi sa puso ko"

"Waaaaaa!" kilig na sigaw ng mga tao, wow! anong nakain nito?

"Mataba ka ba?" salita niya ulit

"Huh?! hindi ah! ganda kaya ng katawan ko" sabi ko

"Hehe ikaw kasi ang nagpaFAT-ibok ng puso ko" tas ngumiti pa sa ako ang mokong

"Hoy Ethan ano na naman ito ah?!" inis kong sabi, eh kasi ano....aish! basta

"Marami ka bang nakikita?"

"Medyo naman bakit?"

"Pahingi naman kahit konting pagtingin" nasa tapat ko na siya talaga.

Too Opposite!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin