Attraction 23 - Jealousy sucks

10K 416 48
                                    

Cristina's Pov

Kanina ko pa tinitignan si Shanna sa labas na panay naman sa buntonghininga, para naman siyang mauubusan ng hangin niyan.

"Anong problema niya?" tanong ni Joan na nginunguso si Shanna at tumabi sa akin

Nagkibit balikat ako "Ewan ko" at tumingin ulit kay Shanna

Naging ganya siya ng nakabalik sila ni Mike galing sa lakad daw nila, ano kaya ang nangyari sa dalawa? Napansin ko rin kasi na medyo galit si Mike na ewan, nag-away kaya sila?

"Aish! Hindi ko na kaya ito ah!" inis na sigaw ni Joan, kaya tumayo siya at linapitan si Shanna nasa hammock "Hoy babae! Problema mo?" narinig kong sabi ni Joan, napaka bunganga talaga ng babaeng yun, bahala sila at tumigin ulit sa laptop ko at nanood ng movie doon.

Mayamaya ay may naring akong mga yabag pababa kaya napalingon ako sa hagdan at nakita ko si Ethan na bihis na bihis, may lakad siya? Teka! Pakialam ko ba? Ayun binalik ko ang sarili ko sa panonood ng movie. Pero ewan ko ba hindi na ako nakapagconcentrate kasi ang ingay ni Ethan panay kasi pabalikbalik niya eh, ingay pa naman ng yabag niya kaya sa inis ko ay tumayo ako

"Ethan! Ano bang problema mo?" inis kong tawag sa kanya

"Ah kasi babe, may hinahanap ako"

"Ano naman yun?"

"Susi ko"

"Aish! Ano ka ba, ang tanga mo naman, saan mo ba kasi naiwan?"

Napakamot siya sa ulo niya "Hindi ko alam eh"

In-off ko ang laptop ko at nilapatan siya, at walang sabi sabi na binatukan siya

"Aray naman babe" reklamo niya

"Para yan sa pagistorbo sa panonood ko" nagcross arms ako "So ano? Saan mo ba huli nakita ang susi mo?"

"Ahm..." parang nagalinlangan pa siya, bakit kaya? "Eh...kasi..."

Hmmm...mukhang alam ko na ito ah, kaya napabuntonghininga na lang ako

"Naiwan mo yun sa isa sa mga babae mo" bagot kong sabi

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko "HINDI AH!" depensa niya

"Talaga?" tinaasan ko siya ng kilay

"O-oo.......si-siguro?"

"Magsisinungaling ka pa talaga"

He sighed "Siguro naiwan ko kahapon, pero walang nagyari sa amin ah! Tinulungan ko lang siya yun lang talaga! Promise!

"tsk!" hindi ko alam pero nawala bigla ang inis ko sa sinabi niya "Bakit ba naiwan mo?"

"Eh hindi ko kasi ginamit ang sasakyan ko, kay Marco ang ginamit ko" simula niya "Pero dala-dala ko lang ang susi ko" nagtataka naman ako sa sinabi niya, ngumiti lang siya

"Wala eh trip ko lang dalhin hehehe"

"At trip mo lang din na gamitin ang kotse si Marco?"

Tumango lang siya "Yun nga tapos pumunta ako sa isang bar, pero hindi ako uminom ah! may kailangan lang ako doon, tinawagan kasi ako ng may-ari nun" nagdududa ata ako doon ah at mukhang na gets niya yun "Promise! Totoo yun!"

"Oo na, oo na, at?" ewan ko ba at bakit gusto ko o kailangan ko marinig lahat ng ito

"Tapos ng nakuha ko na ang kailangan ko doon, aalis na sana ako ng may humarang sa akin na babae at ayun nga lasing na lasing na at kung anu-ano na ang sinasabi, at ng napansin ko na hindi na niya kaya nagmagandang loob ako at hinatid siya sa bahay nila"

Too Opposite!Where stories live. Discover now