Attraction 6- Let's Party!!!

10.3K 401 7
                                    

Ethan's Pov

Ilang araw na rin ang nakalilipas na sanay na rin kami na kasama sina Cristina sa bahay, kahit na walang humpay ang bangayan, hehe sarap asarin eh, pero ngayong araw na ito wala sila dahil may linakad daw. Sabado kasi ngayon kaya walang pasok, at walang magawa.

"Ahhh....kakabagot na" sabi ni Kevin.

"Oo nga eh" sang-ayon ko, hmmmm ano bang masayang gawin ngayon?...

"Why not try to study" sabi ni Marco.

"Boring kaya nun" angal ko

"Eh pakamatay ka" sabi ni Mike, grabe naman ito kung makasuggest kung siya kaya unahin ko.

"Ay bawal maraming iiyak pag nawala ako" sabi ko naman

"Hambog mo" sabi lang ni Mike.

"Waaaaa! nababagot na talaga ako!" sigaw ni Kevin.

TING!

Bigla akong may bright idea.

"Magpaparty kaya tayo" suhestiyon ko.

"Oo nga ano, para naman maipagmayabang natin itong bahay natin" sangayon ni Kevin.

"Tama! at mag-invyt tayo ng maraming chicks!" masigla kong sabi.

"Oo ba, paramihan tayo ng maiinvyt" hamon ni Kevin sa akin.

"I think you forgot a single detail there" sabi ni Marco

"Ano naman yun?" inis kong tanong, eh ang ganda na kaya ng plano.

"Baka nakalimutan ninyong may iba tayong kasama sa bahay" sabi ni Mike

Ay oo nga pala, bakit ko ba yun nakalimutan, hindi lang pala kami ang nakatira dito sa bahay.

"Tss! wala naman sigurong problema, eh party lang naman ito eh." sabi ko

"Well tawagan natin at tanungin natin kung makakauwi ba sila ngayon, dahil kung hindi aw party tayo, maglinis nalang tayo kinabukasan" sabi ni Kevin

"Oo nga naman!" sangayon ko

"Tss! kayong bahala" sabi nalang ni Mike

"If that's what you want" sabi ni Marco.

Tinawagan ko si Cristina kung kailan sila uuwi, oh wag kayong magtataka kung saan ko nakuha number nya hehehe. Nakailang ring pa ako bago niya sinagot.

"Hello?" sabi niya

"Hey babe!" masigla kong bati

"Sino ito?" tanong niya

"Ouch! sakit naman nun babe, may iba pa palang tumatawag sa'yo ng babe?" kunwaring tampo ko sa kanya.

"Ahhh, ikaw pala yan Ethan" kalma na sabi niya.

"Ay yun lang? wala man lang i miss you diyan" asar ko sa kanya

*toot toot toot*

Toinks! binabaan ako? tinawagan ko siya ulit.

"Kung wala kang matinong sasabihin sa akin Ethan, ibababa ko na ito" sabi niya pagsagot na pagsagot niya sa akin hehehe, what I mean sa tawag ko.

Too Opposite!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon