Attraction 27 - Love! Love! Love!

10.4K 333 25
                                    

Cristina's Pov

Naghahanda na kami ng agahan, at habang ginagawa namin yun ay nakikigulo din ang mga lalaki.

"Ma, tulungan na kita" sabi ni Kevin

"Heh! Tumigil ka diyan Pa, para namang ang hirap ng ginagawa ko eh naghihiwa lang naman ako" sabi ni Joan

"Pero baka masugatan ang maganda mong kamay Ma"

"Kevin" ayan na pag ganyan na si Joan pikon na yan

"Oo na ,bebehave na Ma"

Napailing na lang ako, at bigla na mang may yumakap sa likod ko kaya nagulat ko

"Babe malapit na yan?"

"Malapit na, malapit na kitang isali dito sa piniprito ko pag hindi ka umalis diyan" malamig kong sabi, at ang sira ay tumawa lang pero inalis din ang pagka yakap sa akin.

"Babe naman, ang aga highblood"

"Ikaw naman kasi nangugulat, alam mong ayaw ko ng ganun, kainis ka" nakasimangot kong sabi

"Sus! sorry na" tapos hinalikan ako sa pisngi

"Ehem! Excuse me lang ah" singit ni Joan, "Ito na yung hiniwa kong kamatis at sibuyas" gusto kasi nilang lagyan ng ganito ang itlog.

"Salamat" sabi ko

"Ma, wag kang manira ng moment diyan" tapos hinila si Joan, "Dito na tayo, magmoment din tayo"

"Sira!" tinampal ang noo ni Kevin

Natutuwa na lang akong tinignan sila.

"Good morning" bati ni Quenie, at nakasunod sa kanya si Marco

"Morning" ganting bati ko, "Upo na lang kayo diyan malapit na akong matapos"

"Tulungan na kita babe"

Inaayos na nila ang hapagkainan.

"Ano, sa tingin ninyo, okay na kaya ang dalawa?" biglang tanong ni Quenie

"Okay na sila pangga, wag mo ng masyadong isipin yun" sabi ni Marco

"Ano?! Pangga?! Baduy mo brad" asar ni Ethan

"Tss! Unlike your endearment, babe, you call all your girls babe Ethan"

"Hindi kaya!" at tinakpan pa niya ang tenga ko "Wag kang makinig babe, baka dumugo ang tenga mo"

"Ilong mo ang dudugo Ethan pag di mo pa yan tatanggalin" at tinanggal na niya, "Ayan kasi aasar-asar ka eh pag ikaw ang inasar talo ka naman"

Sumimangot lang ang mokong

"Eh noon lang naman yun babe, ngayon ikaw lang naman ang tinatawag ko ng ganyan"

"Alam ko, kaya wag ka ng sumimangot diyan, nagiging bakla ka na"

"Kiss muna" at ngumuso pa ang sira, kaya pinagbigyan ko na lang at binigyan siya ng smack sa lips, "Yun oh!" lapad ng ngiti ng mokong

"Waaaa! inggit ako Ma" lambing ni Kevin kay Joan

"Tse! tumahimik ka diyan nakakarami ka na nga eh" - Joan

Then Quenie sighed, but Marco just grabbed her hand and gently squeezed it.

"The two are fine pangga, believe me"

"Okay" ngumiti na rin si Quenie

"GOOD MORNING!" masiglang bati ni Shanna, with matching smile pa.

"Morning din Shan" bati ni Joan

"Wow! ganda ng gising natin ah" sabi ni Kevin

"Oo nga, lapad lapad ng ngiti ah, may nangyari ba?" usisa kaagadni Ethan kaya siniko ko siya, "Aray babe" pinandilatan ko siya, "Okay, okay, sorry"

Too Opposite!Where stories live. Discover now