Attraction 15- The deal

9.1K 365 7
                                    

Marco's Pov

Sa canteen

"Yeahey! tapos na rin ang midterms" masayang sigaw ni Kevin.

"Sinabi mo pa, freedom at last" sabi ni Ethan.

"Bakit? segurado na kayo na pasado na kayo this sem?" tanong ko sa dalawa.

"Oo naman! nag-aral kaya ako" pagmamayabang ni Kevin

"Well ako naman, may hulog ng langit kasi na sagot eh" tas may kinindatan sa may likuran at nagtumili na ang mga babae.

Umiling-iling na lang ako "You never changed Ethan"

"What? hindi ko kasalanan yun, they offered their answers to me, at sabi ni Lord masamang tanggihan ang grasya"

"Whatever Ethan"

"Oh Mike, andyan kapa?" sabay tingin kay Mike na tahimik kumakain at naka headset.

"Ulol! naka headset kaya yan kaya hindi ka maririnig niyan" sabi ni Ethan.

Biglang may dumating.

" Hi guys!" sigaw ni Shanna, napalingon kami at kasama nga niya ang mga babae.

Lumapit sila sa amin.

"So ready na kayo?" excited na sabi ni Shanna.

"Ready saan?" nagtatakang tanong ni Kevin.

"Malapit na kasi ang intramurals natin" sagot ni Quenie.

"Ganun ba! ang galing!" sabi naman ni Ethan.

"Magiging masaya talaga ito, lalo na at hindi tayo magka department lahat hahaha!" sabi ni Shanna.

"Sinabi mo pa" sabi ni Kevin at nag apir pa sila ni Shanna, napabaling si Shanna kay Mike na naka headset, tiyak ako wala yung narinig sa pinag-usapan namin.

"Hoy Mike" tawag ni Shanna pero wala pa ring kibo.

"Mike yuhoooo!" tawag niya ulit ay ng wala pa rin kaya ang ginawa niya kinuha, kinuha ang headset.

"Aish! ano ba?!" inis na sabi ni Mike at tumingin kay Shanna na nakangiti lang.

"Hi! busy natin ah"

"Tss! pakialam mo" kukunin sana ang isa sa headset kay Shanna peto iniwas lang niya.

"Ano ba kasi ang pinakikinggan mo?" curious na tanong ni Shanna tapos tumabi ng upo kay Mike at sinuot ang isa sa earphones.

"Tss! gulo mo talaga" sabi ni Mike pero wala namang ginawa.

"Umupo na rin kayo" sabi ko

"Tabi tayo babe" tapos ngumiti siya kay Cristina.

"Whatever" pero tumabi rin kay Ethan.

"Panget, usog ka!" sigaw ni Joan kay Kevin

"Ayoko nga!"

"Fine, eh di kay Marco nalang ako uupo" tatabi na sana si Joan sa akin pero hinila siya kaagad ni Kevin.

"Dito ka, si Quenie dapat tumabi kay Marco"

"Tss! daming arte papayag din naman pala"

"Upo ako ah" sabi ni Quenie.

"Okay lang"

Kaya ayun tabi-tabi kami, mabuti nalang at medyo malaki ang upuan namin.

"So anong sports ang sasalihan ninyo?" tanong ni Quenie

"Basketball for sure" sabi ni Joan

"Yup! sa basketball ako" sabi ni Ethan

"Ako rin" sabi ni Kevin "Ikaw Marco?"

Too Opposite!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang