Attraction 46 - She's missing?!

8.9K 274 15
                                    

Shanna's Pov

Kakatapos ko lang sa paglilinis ng condo ni Tristan ng biglang may ng doorbell kay agad ko yung binuksan.

"Sino yan?" sabay bukas at nagulat ako sa tumambad sa akin, "Tristan!"

"Miss us?" nakangiting sabi ni Tristan.

"Mommy!" sigaw naman ni Sofia

"Baby!" masaya kong sabi at binuhat ko siya kaagad at pinugpog ng halik ang mukha, "I miss you baby!"

"Miss kana rin namin Mom"

Pumasok naman kami sa loob.

"Kamusta naman doon?"

"Okay naman, grabe pagod na pagod na ako" sabay higa nitp sa sofa, "Buti at naisipan mong linisin ang condo ko"

"Nakakahiya naman kasi sa'yo, nakikitira na nga ako, hindi pa ako marunong maglinis, ano na lang ang sasabihin mo sa akin"

"Hahaha! paranoid ka talaga, so kamusta ka naman dito?"

"Okay lang"

"Hmmmm...." tumayo ito at inikot-ikutan ako, at seryosong tinitignan ako

"Anong problema mo?"

"Ewan ko lang ha, pero parang may kakaiba sa'yo"

"Daddy? what are talking about?" sabi ni Sofia na kalong ko

"Oo nga naman Tristan, ano bang pinagsasabi mo?"

"Para kasing may kakaibang aura na nakapaligid sa'yo, hmmmmm..."

"Anong aura ang pinagsasabi mo diyan?"

"Aha! alam ko na! Kayo na noh!"

"Huh?"

"Kayo ni Mike! kayo na ano!"

Ewan ko pero biglang uminit ang magkabilang pisngi ko at narinig ko na lang ang pagtawa ni Tristan

"Oh God! Tama ako! Hahaha!"

"Tumigil ka nga Tristan! sapakin kita diyan eh!"

"Asus! nahiya ka pa sa akin hahaha!"

"Tristan ano ba! tss!" kaasar talaga ang lalaking ito

Humihingal na siya dahil sa kakatawa niya, "But I'm happy na okay na kayo"

"Okay na kami, pero hindi pa kami"

"Huh? Bakit naman?"

"Ayaw ko kasing madaliin"

"Well tama nga naman yun, pahirapan mo muna siya dapat umiyak siya ng dugo sa'yo"

"OA naman nun Tristan"

"Ay basta! pagpinaiyak ka na naman ng lalaking yun, hinding-hindi na ako papayag na magkita kayo, ikukulung kita sa bahay ko sa amerika at ibibigay sa lalaking karapat dapat sa'yo, naintindihan mo!"

"Opo tay" asar kong sabi

"Mabuti kung ganun, hala sige ipagluto mo na kami at kami ay nagugutom na"

"Aba! aba! gawin ba akong maid dito?"

"Okay lang yun" asar pa lalo ni Tristan sa akin

"I want spaghetti mommy!" masiglang sabi ni Sophia

"Ako rin!" pangagaya ni Tristan

"Oo na, oo na" wala na rin akong magawa kaya nagluto na rin ako, buti na lang may dalang mga grocery sina Tristan, at habang abala ako sa pagluluto biglang may ngdoorbell, "Tristan, yung pinto!" sigaw ko

Too Opposite!Where stories live. Discover now