Epilogue - the start of a new chapter

12K 410 50
                                    

Mike's Pov

Nakatayo lang ako dito sa may glass window at nakatingin sa labas. Tahimik ko lang pinapanood ang mga tao sa ibaba at ang mga kotse.

"Wala ka bang planong gumalaw diyan?" biglang tanong ng isang tao, ngumiti lang ako pumikit. I so miss her voice. Narinig kong palapit na yabag at isang batok ang nakuha ko.

"Aray naman" reklamo ko, sabay lingon sa babaeng bumuo sa akin, nakasimangot lang siya

"Hello, wala ka talagang balak gumalaw ha? Malilate na tayo"

I smiled, "I love you"

She rolled her eyes, "I know"

"At?"

"At malilate na tayo, so let's go"

Napasimangot ako sa sagot niya kaya natawa lang siya.

"Hay naku Mike, ewan ko talaga sa'yo" tatawa-tawa pa ring sabi ni Shanna, after the incident, it took almost a month para gumaling si Shanna dahil sa mga pasa nito at baling buto, at maraming nangyari simula nun and now I'm just glad that it ended well.

"Ano ba yan Mike! ang laki mo na hindi ka pa rin marunong mag-ayos" at inayos niya ang damit ko, at habang ginagawa niya yun at tinitignan ko lang siya.

"Magpakasal na tayo" I blurted out, she stopped and looked at me

"A-Ano???..." gulat na gulat talaga siya

"Ang sabi ko, magpakasal na tayo"

Umawang ang ng konti ang bibig niya siguro dahil sa gulat.

"Yun na yun? Yun na ang proposal mo?"

"Well I just want you to be with me forever at----" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil binatukan niya ako at walang sabing umalis, napailing na naman ako, "Mukhang susuyuin ko na naman yun"

*******************

Ethan's Pov

Nakatayo ako ngayon sa labas ng unit ni Cristina. Inayos ko muna ang sarili ko bago kinatok ang pinto. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at iniluwal doon ang nakangiting mukha ni Cristina.

"Hey babe" bati nito.

"Hey" at hinalikan ko siya sa labi at hinapit ang bewang niya, lumalim ang halikan namin. Pero pinutol niya ang halikan namin.

"Babe, baka masira ang damit natin" awat ni Cristina at gamit ang daliri niya ay may pinunasan siya sa gilid ng labi ko, "Tignan mo may lipstick kana tuloy sa labi mo'

"I wish this day will end so that I could have you"

She rolled her eyes, "Babe this is not just an ordinary day, kasal ito nina Kevin at Joan kaya kung pupwede lang rendahan mo muna yang landi mo ha" sabay pingot ng ilong ko

"I know, I know"

"Let's go" nakangiti niyang sa sabi sa akin.

"Sure" at habang bumabiyahe kami patungo sa simbahan ay napaisip ako bigla sa mga nangyari sa amin nuon. Yung mga bangayan, away bati namin. I just thought how opposite we were. She was so strict and goal-oriented, while I was so happy-go-lucky, I go with the flow, its like how could we end up with each other like this? parang hindi kapanipaniwala. Then it happened, the incident on the parking lot, it changed everything.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Cristina

"Wala, iniisip ko lang kung gaanu ka kabaliw sa akin"

"Wow! Kapal mo rin ah, if I know ikaw ang unang nagkagusto sa atin"

Too Opposite!Where stories live. Discover now