Attraction 7- Ultimate rule

8.6K 404 21
                                    

Shanna's Pov

"What the hell happened here?" nagugulahan kong sabi.

As in ang kalat ng bahay! ang mga sofa ay magulo, maraming tidbits ng junkfoods sa sahig, may mga nagkalat na canned beer na walang laman.

"Gosh! ang dumi at amoy alak" naiins na sabi ni Joan

"Oh no! oh no! oh noooo!" sigaw ni Cristina, napalingon kami kung saan nanggaling ang boses niya. Lumbas siya mula sa kusina. "They just not did this" galit na sabi ni Cristina

Tinignan naman namin ang kusina, and my gosh I would also be pissed of! Naman! ang kalat! ang dumi! may kung ano anong likido sa sahig at sa lababo.

"Guys! akyat kayo dito!" sigaw ni Quenie.

Pinuntahan kaagad namin siya, at to my horror bukas ang rooms namin and worst may mga babae na natutulog doon and I don't know who they are.

"Oh my God! hindi ko na ito kaya!" tili ni Joan, sumugod siya sa kwrato ng mga lalaki at kinatok yun ng malakas "Hoy! gumising kayo diyan!" sigaw niya

Nakailang katok pa siya bago ito nabuksan and to our surprise babae ang lumabas.

"Who are you?" maarteng sabi ng babae "Alam niyo ba istorbo kayo sa pagtulog namin?"

Namin? don't tell me they...augh! yuck!

"Wala akong pakialam!" bulyaw ni Joan, "Pamamahay namin ito kaya may karapatan akong bulabugin ang kahit na sino!" sigaw niya.

"Are you crazy? this isn't your house maybe nagkakamali kalang miss" kutya ng babae sabay tawa.

Mayamaya ay may nagsalita sa loob.

"Babe sino yan?" inaantok na sabi ni Ethan.

"Some random girls claiming they own this house babe."

Narinig ko sa loob ang pagmura ni Ethan ay nagmamadaling sumilip sa pinto.

"Ah......eh.....welcome back?" sabi niya.

"Huh?" nagtatakang sabi ng babae.

"Hoy panget o bruha bahay namin ito, kaya kung ako sa'yo, umalis kana dito kung ayaw mong dumanak ng dugo" I said coldly "At ikaw" turo ko kay Ethan "Gisingin mo ang mga kaibigan mo at maguusap-usap tayo, at palayasin niyo na ang mga babae dito kung hindi kakatayin ko silang lahat." galit kong sabi, at bumaba na kami, kainis talaga nila nawala lang kami ng ilang oras, oo ilang oras lang talaga siya.

Mayamaya ay nakita ko ng nagsialisan na ang mga babae.

"Bye hon, next time ulit" sabi ng isang babaeng haliparot.

"Sure!" sabi ni Kevin at hinalikan pa siya ulit sa labi.

"Sure" kutya ni Joan "Che! kapal talaga! wala ng next time noh" inis na bulong ni Joan.

Nakababa na silang lahat, at halata ang hangover sa kanila. I just sighed, kahit na kailan talaga ang mga lalaki.

Kevin's Pov

Argh! sakit ng ulo ko, grabe ang dami talaga naming nainom kagabi. Tinignan ko sina Mike at ganun din sila, narinig kong napabuntonghininga si Shanna.

"Quenie can you see if meron bang pain reliever doon sa kusina, Cristina pwede gumawa ka ng coffee at pagkain tulungan mo na rin Joan." sabi ni Shanna

"What?! bakit naman! hello may kasalanan pa sila" galit na sabi ni Joan.

"Hindi natin sila makakausap ng matino ngayon, tsaka nagugutom na ako eh" kalamadong sabi ni Shanna.

Too Opposite!Where stories live. Discover now