Attraction 9- Partners

9.7K 415 17
                                    

Ethan's Pov

Nakatambay ako sa hallway ng school, papunta na sana ako sa room ko ng hinarang ako mga babaeng kausap ko ngayon, ng bigla akong may nakita na babae at napangiti ako.

Linampasan niya kami

"Ahm excuse me girls." sabi ko sa mga babaeng kausap ko at tinawag si Cristina "Hey babe!"

Hindi siya huminto, kaya tinawag ko siya ulit pero wala pa rin. Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya, at pinaharap ko siya sa akin. Wow! ano yung naramdaman ko?

"Aray!" daing niya

"Naku sorry" sabi ko at binitawan ko ang braso niya.

"Problema mo? Ba't ka nanghihila ng braso ng may braso?" inis niyang sabi.

"Sorry na, eh kasi tawag ako ng tawag sa'yo hindi ka lumingon eh"

"Huh?? tinawag mo ako? kailan?" naguguluhan niyang sabi

"Babe naman" nagtatampo kong sabi.

"Ahhhh....babe" sabi niya at tumango-tango pa, teka parang sarap pakinggan nun ah

Napangiti tuloy ako, hindi yun fake ah, totoong smile yun. Alam kong parati akong nakangiti pero paminsan-minsan lang ako ngumingiti ng totoo sa mga tao.

"Oh? ba't ka ngumingiti diyan?" tanong niya, at tinitignan ako na para akong baliw.

"Well tinawag mo rin kasi akong babe" sabi ko.

"Huh? sira-ulo ka ba? inulit ko lang sinabi mo, wag kang assuming" poker-face na siya ulit.

"Ouch! sakit naman nun" hinawakan ko ang dibdib ko.

"So?" sabi niya, huhuhu napaka unfeeling naman ng babaeng ito.

"Grabe ka naman Cristina, wala ka ba talagang awa sa akin?"

"Wala"

Aray! totoo na rin ito ah, sakit nun talaga.

"Babe naman" sabi ko

"Pwede ba wag mo akong tawaging babe"

"Bakit naman? cute kaya nun"

"Tss...gshdjdurhrkd" bulong niya, hindi ko nga maintindihan eh.

"Galit ka ba sa akin?" nakakapagtaka talaga siya eh, simula nung nangyari sa bahay hindi na niya ako kinakausap.

Cristina's Pov

"Babe naman" sabi ni Ethan na para bang nagtatampo.

"Pwede bang wag mo nga akong tawaging babe" nakakainis kasi siyang pakinggan eh.

"Bakit naman? cute kaya nun"

"Tss....sinong matutuwa kung lahat ng babae ay babe ang tawag mo" sabi ko pero binulong ko lang, eh kainis kasi pakiramdam ko kasali ako sa harem niya, Yuck! ayoko nga!

"Galit ka ba sa akin? tanong niya, tinignan ko siya at sa tono niya para bang nag-aalala talaga siya.

"Hindi" sabi ko at tumalikod na, pumunta na ako sa classroom at umupo, nag-umpisa na akong magbasa ng libro.

Mayamaya ay naramdaman ko na umupo na siya sa upo.an sa tabi ko. Nakalimutan kong kaklase ko pala siya ngayon. Bahala siya diyan galit pa rin ako sa kanya.

Nag-umpisa ang klase namin, lumipas ang ilang oras at ng malapit ng matapos ang klase at may pahabol pa si sir.

"Okay class we will have a project by pair you can choose anyone whom you like to pair with" sabi ni sir.

Too Opposite!Where stories live. Discover now