Attraction 29- her past

8.6K 328 18
                                    

Joan's Pov

Hay...pagkatapos ng nakakainis na pangyayari kahapon naging okay naman lahat, well duh hindi naman ganun ka worth it ang panget na yun, pero ewan ko ba kumukulo pa talaga ang dugo ko sa bruhildang yun, nag iwan pa ata siya ng after shock sa akin eh.

"Oh Ma? Aga-aga ata nakabusangot kana diyan, problema?" tanong ni Kevin na nakaupo lang sa tabi ko at naglalaro ng kung ano sa cellphone nito. Isa pa itong asungot na ito parang buntot, sunud ng sunud sa akin, well hindi naman sa ayaw ko eh kasi naman paminsan-minsan ang kulit kasi nakakapikon tuloy.

"Wala namam, naiinis lang ako sa BEASTfriend niyo"

"Ma naman, kahapon pa ang pangyayaring yun kalimutan mo na"

"Pa, paano ko makakalimutan eh may sa kung anong mangkukulam ang panget na yun at talagang tumatak siya sa isipan ko, nakakabwisit tuloy"

Hinila ako ng mokong at kinandong sa kanya, mahigpit niya akong yinakap at sinubsob ang mukha nito sa leeg ko.

"Kalma na Ma, ha" malambing nitong sabi, "Wag mo na yung intindihin, sige ka papanget ka"

"Ah kung panget na ako, ayaw mo na sa akin, ganun?" Umangat ang tingin niyo sa akin at para bang sinusuri ang mukha ko.

"Hmmmn, parang ganun na nga"

"Aba't loko kang bakulaw ka!" at hinampas ko ang braso nito, "Kapal mo! Akala mo kung sino kang gwapo pwes break na tayo!" at ngpumiglas ako sa yakap niya pero ang sira mas lalo lang hinigpitan ang yakap niyo, "Kevin bitawan mo ako!"

"Ma naman joke lang yun, kaw talaga pinapatawa lang kita, masyado ka kasing high blood eh"

"At sa tingin mo hindi ako mahahighblood sa sinabi mo!" loko talaga ito, sino bang matutuwa pagsabihan ng panget at talagang sa isang katulad ko pa niya yun sinabi! Ako! Ako na si Joan De Guzman! Talagang impossible at hindi katangap-tangap! "Isa Kevin! Bitaw!"

"Ayaw" parang bata niyang sabi at niyakap pa ako lalo.

"Aray!" daing ko, ang sakit na kasi ng narinig niya ang daing ko agad niya akong binitawan pero nakakandong pa rin ako sa kanya

"Ma! Sorry...okay ka lang? Asaan ang masakit?" nag-aalala niyang tanong

"Loko ka talaga!" hinampas ko ang braso niya at hinimas ko ang bewang ko, sakita kasi eh, "Ang higpit mo kasing yumakap, kainis ka"

"Sorry" sensero niyang sabi at ako naman na malambot ang puso, oh! Wag kayo! malambot talaga ang puso ko lalo na at mahal ko ang tao, ayun naawa na ako.

"Wag ka kasing makulit masyado"

"Oo na Ma, sorry ulit" at ayun niyakap ulit ako

"Psh! Pasalamat ka talaga at mahal kita"

"Mahal rin kita Ma" at hinalikan niya ako, pero hindi yun nagtagal.

"Ay porn!" sigaw ng kung sino, kaya napatingin kami sa taong yun. At ayun nakatayo sa harap namin si Ethan na may nakakalokong ngiti.

"Tss! panira ka talaga ng moment Ethan"

At tumawa lang ang loko at umupo sa sofa.

"Kayo rin naman kasi ang hilig sa live show, eh may kwarto naman sa itaas"

"Ulol!" tapos binato siya ni Kevin ng throw pillow ng sofa, pero nasalo niya ito. Tumayo na ako at iniwan ang dalawa.

"Ma! Saan ka pupunta?"

"Sa itaas may kukunin lang ako"

"Ay gusto mo Ma samahan kita?"

"Sus! Palusot mo lang yan para maka score" asar ni Ethan

Too Opposite!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon