Attraction 32-the day it all began

7.7K 317 14
                                    

Shanna's Pov

Lunes na naman at eto ako ngayon nag-iisa, naglalakbay sa gitna ng dilim...

Hehehe joke lang, wala kasi akong maisip eh, andito ako sa classroom namin nakikinig sa nakakamatay na leksyon ng guro namin na kasing tanda na ata si Erap dahil napakabagal magsalita nakakaantok na nga siya eh. Napahikab ako dahil sa antok.

"Shanna, okay ka lang?" tanong ni Raymond

"Ah oo naman, medyo inaantok lang" tapos nginitian ko siya kaya ayun namula naman siya ng todo.

Ang cute naman niya, alam ko naman na may gusto siya sa akin pero sayang talaga sa isang abnormal pa ako nagkagusto, hahay....at bigla ng.ring ang school bell at sa sobra kong saya napatayo ako at sumigaw.

"OH YEAH! KALAYAAN!" napalingon lahat sa akin pati professor namin, "Ah....eh...a-ano...ahm...yun ang isingaw ni Bonifacio nung himagsikan, hehehe tama ba?" napakamot ako sa ulo ko

"Alam namin yun Ms.Sandoval but I don't think that that was our lesson"

"S-sorry po..."

"You are in luck because it's already time, I hope that this does not happen again"

"Y-Yes Sir..."

"Okay, good bye class" yun lang at lumabas na ang prof namin, at napaupo ako ulit dahil sa kaba.

"Naman tanga ko"

"Buti hindi siya nagalit sa'yo"

"Sinabi mo pa"

Pagkatapos ng nakakahiyang insidenteng yun. Pumunta na ako sa canteen, nakita ko kaagad ang barkada.

"Yosh!" bati ko, sabay upo sa tabi ni Mike

"Tagal mo ah" sabi ni Joan

"Nagkaroon lang ng konting aberya"

"Kumain kana" sabi naman ni Cristina

Habang kumakain kami ay biglang tumunog ang cellphone ko agad ko yung sinagot.

"Hello?"

"Ma'am Shanna?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Oh Aling Tessa napatawag ako"

"Ma'am...eh..kasi..." kinakabahan niyang sabi

"Aling Tessa ano yun?" bugla akong kinabahan na ewan

"Si Senyora po..."

"So Mama? Bakit? anong nangyari sa kanya?" lumakas ang kabog ng dibdib ko

"Na-nawawala po siya"

"ANO?!" sigaw ko, kaya napatingin silang lahat sa akin

"Shanna?" tawag sa akin ni Quenie.

"Aling Tessa, ano pong ibig ninyong sabihin?"

"Ma'am...kasi..." hindi na siya nakakapagsalita ng maayos dahil mukhang umiiyak na siya.

"Shit! Aling Tessa pupunta ako dyan ngayon din!" binaba ko kaagad ang cp ko agad umalis, narinig ko ang pagtawag nina Joan sa akin pero hindi ko yun pinansin, pumunta ako kaagad sa kotse ko at nagmamadaling pinaandar iyon. Shit! Wala ako sa sarili na nagmamaneho hanggang sa biglang may humarang sa akin na sasakyan kaya napapreno ako ng wala sa oras.

"Shit!" mura ko, at lumabas ako para komprontahin ang may-ari sa kotse, "Ano bang problema mo?! Nagpapakamtay ka ba?!" galit kong sigaw, lumabas kaagad ang ngmaneho.

"Ako dapat ang magtanong niyan, nagpapakamatay ka ba?" sabi ni Mike

"Mike...."

"Shanna!" sigaw nina Joan kaya napalingon ako sa kanila na ansa likod namin. Agad nila akong niyakap.

Too Opposite!Where stories live. Discover now