Attraction 21 - Runway with me

10.9K 405 31
                                    

Quenie's Pov

Last day na ng intrams namin at ito ang pinakahihintay ng lahat ng estudyante dahil dito malalaman kung sinong department ang mananalo and of course the much awaited Student's Night.

Andito kami sa  malaking auditorium ng school namin at napaka busy talaga ng lahat ng tao. Tinutulungan ko si Shanna sa paghanda para sa student's night while si Joan naman ay nag-aayos para sa runway daw niya, excited talaga ako dahil ang magmomodel ng mga damit ni Joan ay sina Marco kaya magiging Masaya talaga ito.

"Argh! Diana can't you walk properly?" inis na sabi ni Joan

"Excuse me, I'm tired na kasi" maarteng sabi niya

"Tired? Really?! Eh kakapahinga mo lang about 5mins ago"

"Well duhhh...as you have said 5mins ago pa yun, pagod na naman ako, eh ikaw kaya dito para malaman mo" mataray niyang sabi

"Gosh Diana ano bang-"

"Break muna kayo" singit ni Shanna at tinignan lang si Joan

"Fine" pagsuko ni Joan

Lumapit sila sa akina at umupo sa bakanteng upuan doon.

"Nakakainis na talaga yang sina Diana ah, inuubos talaga nila ang pasensya ko" nakasimangot na talaga si Joan.

"Pabayaan mo na sila, dapat hindi ka magpaapekto sa kanila" sabi ko

"Paanong hindi ako maaapektohan eh baka sabutahin nila ang runway ko, tss!"

"That won't happen, so chill okay?" sabi naman ni Shanna

" Hey" bati ni Cristina na kadadating lang "So how's practice?"

"Horrible!"

"Really?" tapos tinignan niya kami kaya napatango na lang kami

"Sina Diana kasi eh" sabi ko

"Hay naku....don't worry Joan if you need help andito lang kami"

"I want them out of the show!" nanggigigil niyang sabi

"We can't do it, so just bear with it" sabi ni Shanna

"ARUGH! I'm really going to die"  pinatong na lang ni Joan ang ulo niya sa lamesa.

Biglang may lumitaw na pagkain sa harapan naming. Kaya napatingin kami kung sino ang naglagay nun.

"Food for your thought?" nakangiting sabi ni Kevin

Marahas na napatingin si Joan kay Kevin pero nginitian lang siya nito.

"Wow! Food! Pahinge" sabi ni Shanna

"Tss! Ang hyper mo talaga" sabi naman ni Mike

"Duhh.....hindi bagay sa akin ang tahimik noh" nakangiting sagot ni Shanna sabay kuha ng burger na nilagay sa lamesa.

"Ahm...excuse me.." tumingin lahat kay Ray

"Uie Ray! May kailangan ka?" nakangiting tanong ni Shanna

"Ahm...pw-pwede ka ba-bang maka-usap Shan?" nakatingin lang siya sa sahig

"Hahahaha! Ano ka ba Ray bakit kaba nakatingin sa sahig?"

"Ehhh...ahm...kasi..."

"Kakain pa siya" singit ni Mike kaya napalingon kaming lahat sa kanya, ay napaka seryoso niya.

"Ah...ga-ganun ba..o-okay..."

"Hindi okay lang!" pigil ni Shanna

"Ano ba yun?"

Too Opposite!Where stories live. Discover now